Overloading | Bandera

Overloading

Leifbilly Begas - May 06, 2015 - 02:00 AM

motor for site

HINDI dahil marami ang gumagawa, ibig sabihin ay tama. Marami tayong nakikitang motorsiklo na hindi lamang dalawa ang sakay na pasahero. At meron din naman na masyadong marami ang dala-dala.

May nagdadala ng sako ng bigas, ang ilan ay parang Christmas tree na sa sobrang dami ng nakasabit. Pero ayon sa page 10 ng Joint Administrative Order 2014-01 na ipinalabas ng Department of Transportation and Communication, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Land Transportation Office noong Hunyo 2, 2014.

Sa no. 36 ng All Other Violations of Traffic Rules and Regulations, may multang P1,000 ang “MC (Motorcycle) carrying more passegers other than the back rider or cargo other than the saddle bags and luggage carriers.”

Kung babasahing mabuti, ang nakasaad ay back rider at driver lamang ang nakasakay sa motorsiklo. Bawal ang tatlo o higit pa, na kalimitan nating nakikita sa mga kalsada hindi lamang sa Metro Manila.

Madalas din tayong nakakakita ng bata o mga bata na ipinapalaman ng dalawang matanda sa biyahe. Ang bagahe na maaari namang isakay sa motorsiklo ay yung kasya lamang sa carrier.

Sa tanong kung maaari bang isakay sa motorsiklo ang bata o mga bata, noong 2014 ay ipinasa ng Kamara de Representantes ang panukala kaugnay nito, at meron ding ganitong panukala sa Senado.

Sa inaprubahang panukala “Motorcycle Safety for Children Act” (House bll 4462) ipinagbabawal ang pagsakay ng mga bata na wala pang 10 taong gulang na sumakay ng motorsiklo maliban na lamang kung mayroon itong protective gear na pasok o lagpas pa sa pamantayang itinakda ng batas.

Dapat din na nakakaabot sa footrest ng motorsiklo ang mga paa nito at nakakahawak o nakakayakap sa driver. Iginiit din ng panukala na dapat ay dalawa lang ang sakay ng motorsiklo—ang driver at ang bata.

Sa panukala, ang multa ay P3,000 sa unang paglabag, P5,000 sa ikalawa at P10,000 sa ikatlo. Sa ikalawa at ikatlong paglabag ay otomatikong suspendido ng isang buwan ang lisensya.

Yung uulitin sa ika-apat na pagkakataon ay kakanselahin na ang lisensya at hindi na maaaring legal na makapagmaneho ang driver.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending