JHONG feeling GWAPO at RICH, nilait-lait sa TWITTER | Bandera

JHONG feeling GWAPO at RICH, nilait-lait sa TWITTER

- June 23, 2012 - 04:23 PM

Dahil sa naging drama  sa kauna-unahang pagsakay  raw niya sa MRT

MARAMI talagang mga kababayan natin ang super sensitive and very idealistic.

Sa anumang pagkakataon – whether good or bad ay mabilis silang mag-react.

Kasi nga, we live in a country that’s very matriarchal and close-knit where everyone knows everyone.

Kaya ganoon na lang tayo ka-involved palagi sa anumang issues.

In some ways, maganda rin naman ito but in some, hindi siya advantageous. Case to case basis pa rin.

Anyway, a few days ago ay nag-post diumano si Jhong Hilario ng message sa kanyang Facebook after or during the time na sumakay siya sa MRT.

Ang sabi raw ni Jhong more or less ay, “Ganito pala ang feeling pag sumakay ka ng MRT”.Naku, iyon palang ang sinabi ni Jhong pero sangkatutak na raw na negatibong komento ang natanggap niya sa Twitter.

Ang dating daw sa kanila ay nagyabang si Jhong – na parang first time niyang nakasakay sa MRT or what.

Yung dating sa iba ay parang hindi raw bagay sa tulad ni Jhong Hilario ang mag-feeling rich or whatever.

“Kasi nga, hindi siya tisoy. Kung si Kris Aquino or si Anne Curtis or si Gabby Concepcion ang nagsabi noon, maaaring matanggap pa ng mga tao.

Sa bansang ito, masyadong racist din ang ilang tao.

Pag maputi ka at guwapo o maganda, parang lamang ka na.

Kasi naman, hindi nag-iingat si Jhong sa mga ipinu-post niya.

Iba kasi pag live niyang sinabi sana sa TV dahil puwedeng i-comedy.

“Pero sa Twitter, malay naman ng tao kung nagbibiro siya or what kasi nga, wala namang emosyon ang mga letra na pinu-post natin, di ba? Kaya hayun, kawawang Jhong.

Sabi pa nga ng iba, hindi naman siya kaguwapuhan, na parang ginawa ang MRT sa tulad niyang mukhang pang-masa.

Kasi nga, hindi naman makinis ang balat niya, kaya iyon ang inabot niya,” mahabang sabi ng kaibigan naming nais ipagtanggol sana si Jhong pero na-realize niya na mali nga si Jhong sa ginawa niya.

“Bakit? May kotse ba ‘yang si Jhong?

Wala kasi sa hitsura niya, e!” sabi naman ng isang nakausap namin.

Of course naman, ‘no! Sa dami ng kinikita ni Jhong bilang artista, dancer at judge ng It’s Showtime, definitely ay nakabili na siya ng magarang sasakyan.

“Mukha pa rin siyang taga-Bangkal, Makati, ‘no! Hindi siya mukhang taga-Dasma or Forbes kaya wala siyang karapatang mag-feeling mayaman.

Kakaloka siya. Sino ba siya? Mali ba ang sumakay ng MRT? Pag sumakay ka ba ng MRT ay mahirap ka? Bakit, mayaman ba yang Jhong na iyan?

Kung umasta naman siya akala mo kung sino siya. Hmp!” ang pagtataray naman ng isang kaibigan namin.

No offense meant sa mga taga-Bangkal, Makati dahil for once ay tumira din ako diyan.

Baka ma-persona non-grata ako roon, ‘no! Let’s just read between the lines na lang – sa pakahulugan ng kausap natin.

They mean lang siguro na hindi naman nakatira sa isang posh village si Jhong to react that way of his MRT experience.

Malay nga naman natin, baka first time nga lang naman niyang nakasakay sa MRT dahil nu’ng panahong medyo hindi pa siya ganoon kayaman ay wala pa namang MRT, eh.

Baka sa bus at jeep lang siya nakasakay in the past.

Puwede ring ganoon, di ba? Kasi, when MRT was made, member na yata ng Streetboys si Jhong Hilario at mukhang may kotse na.

Kaya maaaring first time nga naman niya sa tren.

Kaya advise natin kay Jhong at sa iba pang artista, be very careful with what you say – whether on TV or sa Facebook or sa Twitter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iba-iba kasi ang interpretasyon ng bawat isa sa atin para na rin makaiwas sa mga hindi magagandang salita.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending