Sarah inaatake ng ‘SAKIT’ pag kaeksena si Piolo; walang ginawa kundi tumawa | Bandera

Sarah inaatake ng ‘SAKIT’ pag kaeksena si Piolo; walang ginawa kundi tumawa

Ervin Santiago - April 22, 2015 - 02:00 AM

piolo pascual

UMARIBA na naman ang “sakit” ni Sarah Geronimo – ang pagiging bungisngis – kaya naman paulit-ulit ang ilang mga eksena nila ni Piolo Pascual sa kanilang first movie together.

Napanood namin ang isang maikling behind-the-scene video clip na kuha kanilang pelikulang “The Breakup Playlist” under Star Cinema at kitang-kita nga roon kung paanong kiligin ang Pop Princess sa isang eksena nila ni Papa P.

Halatang naiilang pa ang dyowa ni Matteo Guidicelli kaya naman hindi nila matapus-tapos ang ginagawa nilang eksena kung saan kailangan nilang magtitigan habang kumakanta.

Umabot sa take 3 ang nasabing scene dahil nga laging natatawa ang Pop Princess kapag tumitig na sa kanya si PJ.
Samantala, ngayon pa lang ay excited na ang milyun-milyong Popsters sa “The Breakup Playlist” na kuwento tungkol sa dalawang musician – isang aspiring professional singer na gagampanan nga ni Sarah at isang rock star portrayed by Piolo – who will play beautiful music together na mai-in love sa isa’t isa.

Ito ay sa direksiyon ni Dan Villegas, ang nagdirek ng award-winning 2014 Metro Manila Film Festival entry na “English Only, Please” nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending