2-taong-gulang na batang Thai, pinakabatang isinailalim sa cryogenically frozen
ISINAILALIM ang isang dalawang-taong-gulang na batang babae mula sa Thailand sa cryogenically frozen matapos itong mamatay sa brain cancer.
Pinakabata si Matheryn Noavaratpong na isinailalim nsa cryogenically frozen sa pag-asang makakahanap pa ng gamot sa kanyang kanser at mabuhay siyang muli.
Nauna nang nadiskubre ang 11 sentimetrong tumor sa kaliwang bahagi ng utak ni Noavaratpong noong 2014 matapos na hindi na lang siya magising noong Abril 19.
Siya ay na-diagnose ng ependymoblastoma, isang bihirang klase ng brain cancer na kung saan mga bata ang tinatamaan.
Inalis ng mga duktor ang kalahati ng tumor at sinabihan ang kanyang mga magulang, na kapwa scientist, na maaaring hindi na siya magising mula sa pagkaka-coma.
Pinayuhan na ang pamilya na tanggalin na ang kanyang life support.
Ngunit biglang nagising si Matheryn mula coma sa loob ng isang linggo.
“Einz woke up…she responded to stimulation, and surprised everyone. Einz represents the worth of Life,” sabi ng kanyang tatay na si Dr Sahatorn Naovaratpong.
“We decided to fight against this cancer. We may not beat it, but her life can lead to a further step of mankind to overcome cancer in the future,” ayon pa kay Naovaratpong.
Sa loob ng isang taon, sumailalim si Matheryn sa 12 operasyon, 20 chemotherapy treatment, at 20 radiation therapy session.
“Einz was able to stand up on her feet again and could see with both eyes, as if she had survived from brain cancer. Couldn’t help wishing she could be back to her normal childhood even with only a single right brain,” ayon pa sa tatay.
Ngunit noong Nobyembre 2014, kumalat ang kanser sa palibot ng utak ni Matheryn kung saan naparalisa ang kanyang mukha at muscle.
“We realized it was the end,” sabi ni Dr. Sahatorn. “We had to prepare to say goodbye.”
Namatay si Matheryn noong Enero.
Nakipag-ugnayan ang pamilya niya sa Alcor Life Extension Foundation sa United States, na gumagamit ng cryonics – kung saan gumagamit ng mababang temperatura para papreserba ang mga tao at mga hayop.
Tinanggal ang utak ni Matherin at priniserba sa isang stainless steel vacuum container na may lamang liquid nitrogen. Sumailalim ang kanyang katawan sa cryofreeze hanggang makahanap ng lunas sa kanyang sakit.
“They’re hoping that by preserving the tissue cells of this particular cancer, they can come up with a better treatment plan, and may be even eventually cure it. If you look at the global picture of what they’re trying to accomplish, it’s very altruistic,” ayon kay Aaron Drake, Medical Response Director sa Alcor Life Extension Foundation.
Inilagak ang katawan ni Matheryn sa Arizona, habang naghihintay ng lunas mula sa siyensiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending