MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Ako po si Rey Agno ng Bangus St., Navotas City. Gusto ko lang po sana na itanong kung may makukuha po na benefits mula sa Social Security System kaming mga anak na naiwan ng tatay ko na pumanaw na miyembro ng SSS?
Sakali po na may makuha ay malaking tulong ito para kahit papaano ay makatulong sa pag-aaral ng aming anak o sa apo ng yumao kong ama. Ang pangalan po niya ay Ricardo Lukas Agno. Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming katanungan.
Salamat po.
Rey Agno, Navotas
REPLY: Para sa iyong katanungan Ginoong Agno. Ang benepisyo na maaaring makuha ng anak sakaling pumanaw ang kanyang ama ay para sa anak na menor-de-edad lamang. Kayo sa kaso po ninyo, ang mga kapatid po lamang ninyo na menor-de-edad o may edad na 21 pababa, ang maaaring makakuha ng benepisyo.
Kung buhay pa naman ang inyong ina at inirehistro siya ng inyong ama bilang benepisyaryo, maaaring ang iyong ina ang makakuha ng monthly pension mula sa SSS.
Pinapayuhan si G. Agno na magtungo sa pinakamalapit na sangay ng SSS para sa benipisyo na maaaring makuha ng inyong ina o kung may kapatid pa na menor de edad.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department, SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.