Korina Sanchez: Kasinungalingan naman yun, naka-leave lang ako!
News anchor Korina Sanchez denied she was fired by ABS-CBN.
“On leave lang ako,” paliwanag ni Korina when we interviewed her para sa celebration niya ng 10th anniversary ng top-rating show niyang Rated K.
Isang kasinungalingan din daw ang tsismis na pumayag siyang “mag-resign” sa TV Patrol sa kundisyong hindi si Karen Davila ang papalit sa kanya.
Lumabas sa isang website ang speculations na natsugi na raw si Korina sa TV Patrol, something which reeks of baloney. She’s taking up her master’s degree in Ateneo and at the same time at London School of Economics.
“Officially, it’s really because of school. I’m back in school, ‘di ba? I’m taking my masters in Ateneo tapos meron akong simultaneous, London School of Economics. Eh, komo parehong online, akala ko madali.
Sukdulan pala ng hirap. Ateneo pa lang ay nagkukumahug na ako, so I lessened my load sa London. “Pero meron pang on campus two weeks intensive ang Ateneo.
Sabi ko, dyusko, nasisira na ulo ko! Twice ko muntik nang ma-drop yung subject because I have a daily with Patrol. “E, ang chat namin, nagkataon is at 7 p.m., so habang nagpa-Patrol, nagkaklase ako, may school ako online kasi my classmates ko are from all over Asia.
Tapos yung professor ko is taga-Australia so hindi sila puwedeng mag-adjust sa akin,” esplika ni Korina. She also talked about her plans kung tatakbo sa pagka-president si Mar Roxas, her husband.
“Nag-uusap na rin talaga kami ng management last year pa kung tatakbo si Mar. Sabi ko hindi ko alam kung tatakbo siya. Kung tatakbo siya, ‘magli-leave ka.’ ‘Siyempre (dahil) kailangan kong mangampanya.
Eh, hindi pa naman nagde-decide si Mar. I’ll only find out in June. “So I was thinking i-extend ko na ang leave ko until June. Eh, kasi kung babalik ako tapos hirap na naman ako sa school tapos magde-declare din pala siya.
Tuloy-tuloy ako, ‘pag hindi siya mag-declare balik ako (sa TV Patrol),” Korina further said.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.