Mabisang mantra upang bumalik muli ang asawa (2)
Sulat mula kay Elsie ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Problema:
1. Mabigat po ang problema ko sa ngayon, kasi po matapos mambabae ang mister ko tuluyan na siyang sumama sa kerida nya. Sa ngayon dalawang buwan na siyang hindi nagpapakita. Ni-text hindi nya na kami na alala pa at hindi man lang siya nangungumusta sa kalagayan namin. Sa ngayon sobrang depress talaga ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buhay kong ito.
2. Mahal na mahal ko ang aking asawa kaya gusto ko siyang bumalik sa amin para mabuong muli ang aming pamilya. Sir Greenfield may alam ka bang gayuma o orasyon para mapabalik ko na ang aking asawa sa aming bahay. October 4, 1988 ang birthday ko at January 28, 1987 naman ang mister ko.
Umaasa,
Elsie Gen San City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 1.) ang nagsasabing kahit na nambabae ang mister mo hindi basta-basta masisira ang inyong pamilya, sapagkat ang zodiac sign na Aquarius ng mister mo ay sadyang compatible sa zodiac sign mong Lirba. Ibig sabihin kahit na anopa ang mangyari, sa bandang huli habang buhay pa ring kayong magsasama sa hirap at ginhawa.
Numerology:
Ang birth date mong 4 at 28 naman ang mister mo ay nagsasabing kahit na ano pang mga problema ang dumating sa inyong relasyon tulad nga ng ng pambabae sa ngayon ni mister, tiyak ang magaganap, kusa ring masosolusyunan ang nasabing mga suliranin pagsapit na pagsapit ng buwan ng Mayo o kaya’y Hunyo sa taon ding ito ng 2015.
Mantra and Yantra
Eto naman ang mantra upang mas mabilis mong mapabalik ang nangaliwa mong asawa. Nakaharap sa Silangan, nakasuot ng dilaw na damit, bibigkasing tuwing 9:00 ng umaga, ng 108 times sa loob ng 90 days: “AUM NAMO BHAGAVAVO SIJHASHYAO ME BHAGAVAYI. ABHI, AUM NAMO, TATATA SWAAHAA.” Kapag nagawa mo yan, tiyak ang magaganap, kusa ng uuwi sa inyong bahay ang nangaliwa mong asawa.
Huling payo at paalala:
Elsie ayon sa iyong kapalaran nakatakda na ang magaganap, sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Aayo o kaya’y Hunyo tiyak ang magaganap, kung nambabae man ang asawa mo sa ngayon at nilayasan ka, sa nasabing panahon sa edad mong 27 pataas, kusang babalik ang iyong mister, upang minsan pa muling mabuo ang inyong pamilya at habang buhay na kayong liligaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.