ZOREN kay BB GANDANGHARI: Totoo, mas gusto kita talaga! | Bandera

ZOREN kay BB GANDANGHARI: Totoo, mas gusto kita talaga!

- June 04, 2012 - 03:56 PM

O ayan, Carmina mismong si ‘daddy’ na ang umamin…

BUKOD sa kanilang pagpapalitan ng tanong at sagot ay personal ding dumalaw sa Paparazzi Showbiz Exposed si BB Gandanghari.

Tapos na ang mahabang panahon ng pagkakailangan nila ni Zoren Legaspi, kaswal na silang nagkukuwentuhan ngayon, panahon ang nagtakda ng tuldok sa sitwasyong kinapapalooban nila.

“Hindi ako nakatulog nu’ng Wednesday nang gabi, hindi ko kayang ipaliwanag sa mga salita lang ang naramdaman ko nu’ng una kaming magkaharap ni Zoren, nag-bar kami ng mga friends ko, napainom ako!” pagtatapat ni BB Gandanghari.

Si Zoren naman ay aminado na nakahinga na siya nang maluwag pagkatapos ng kanilang pag-uusap ni BB at ng “namayapa” nang si Rustom Padilla.“Ito ‘yung matagal ko nang gustong mangyari, gusto ko na kasing matuldukan ang lahat-lahat, ayoko nu’ng kapag nagkita kami sa isang party, e, hindi kami magpapansinan,” pahayag ng guwapong aktor.

Ramdam sa kanilang pagbibigay ng mga komento ang sinseridad, nabura ang agam-agam ni Zoren na baka kapag sumahimpapawid ang kanyang panayam kay BB Gandanghari ay pagtawanan lang sila ng mga makakapanood, kabaligtaran nu’n ang naganap.

“Gusto kong pasalamatan si Zoren for being man enough, hindi madali ang sitwasyon namin, very complicated, pero siya ang gumawa ng paraan na mawala ang pagiging awkward namin sa isa’t isa,” dagdag na pahayag pa ni BB Gandanghari.

Ang mahigit na isang dekada ng mga pag-aalinlangan at mga haka-haka ay binura na nga ng panahon.

Sabi ni Zoren, sa mga pagkakataong gusto ni BB Gandanghari na magkasama sila ni Carmina Villaroel ay meron itong matatawag na ekstensiyon ng pamilya, pinalakpakan ng studio audience ang pahayag na ‘yun ng aktor-direktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending