Gladys nilalapitan ng tao pag nasa labas: Pwedeng pasampal!?

Gladys nilalapitan ng mga tao kapag nasa labas: ‘Pwede pong magpasampal!?’

Ervin Santiago |November 30,2023
facebook
share this

Gladys nilalapitan ng mga tao kapag nasa labas: ‘Pwede pong magpasampal!?’

Ervin Santiago - November 30, 2023 - 07:00 AM

Gladys nilalapitan ng mga tao kapag nasa labas: 'Pwede pong magpasampal!?'

Gladys Reyes

NA-MISS ni Gladys Reyes ang paghahasik ng lagim sa pelikula at telebisyon kaya naman agad niyang tinanggap ang “Black Rider” ng GMA 7.

Si Gladys ang isa sa major-major kontrabida sa naturang Kapuso primetime series na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Yassi Pressman.

Makalipas ang ilang taon ay balik nga sa pagkokontrabida si Gladys bilang si Madame Sasha Buenaventura sa action-drama series na “Black Rider.” Dito, marami-rami rin ang makakatikim ng kanyang makasaysayang sampal.

“Siyempre unang-una na nakatikim si Zoren (Legaspi),” sey ni Gladys sa interview ng “Updated with Nelson Canlas” podcast. Siya ang asawa ni Zoren sa kuwento na gumaganap naman bilang si Mayor Alfonso Buenaventura.

Paglalarawan pa ni Gladys sa role niya, “Naku, talagang masama. To the point na pati yung sarili niyang asawa, ayun ang abangan nila. Kung ano yung gagawin ni Madam Sasha sa sarili niyang asawa.

“So imadyinin mo, hindi na niya sinasanto kumbaga sa term na ano ‘no, kahit sarili niyang asawa, kaya niyang taluhin. Para lang sa kapangyarihan, para lang sa power ika nga,” sabi pa ng premyadong aktres.

Baka Bet Mo: Alfred Vargas na-miss ang yumaong ina nang makaeksena si Ate Guy: ‘Naramdaman ko talaga yung ‘Nora Aunor Magic’

Nauna nang nagpatikim si Gladys about her character sa presscon ng “BR” kung saan tinuksu-tukso pa sila ni Zoren ng press na baka raw magselos si Carmina Villarroel sa mga eksena nila bilang mag-asawa.

“Kaya niloloko ko nga nu’ng una na, ‘sigurado ba kayo ako talaga ‘yung role ni Sasha?’ Sabi ko kasi talagang grabe yung pag-adore ika nga ni Mayor Alfonso or ni Zoren doon sa character nga namin,” chika ni Gladys.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)


Natutuwa rin si Gladys kapag nakakarinig ng mga komento mula sa mga manonood at mga netizens na nagsasabing na-miss din nila ang pagkokontrabida niya.

Baka Bet Mo: Gladys balik-kontrabida sa ‘Black Rider’ nina Ruru at Matteo; hinding-hindi makakalimutan ang ‘Eat Bulaga’ ng TVJ

Sa katunayan, may mga pagkakataon pa raw na kapag nakikita siya ng mga tao sa labas ay may mga lumalapit sa kanya para magpasampal.

“Kapag nakikita nila ako, halimbawa sa labas, alam mo bang ang daming nag-a-approach sa akin para lang sabihin na, ‘Pwede pong magpasampal?’ Nakakatawa!” sey pa ng aktres.

Ang palagi raw niyang sagot sa mga humihiling ng sampal, “Sigurado ka ba? Alam mo, baka masira yung araw mo. Baka hindi ka makabalik sa inyo.

“Baka injured ka pagbalik mo sa inyo. Kino-comedy ko na lang. Kasi ayaw ko naman, ayoko naman may sampal. Ha-hahaha!” chika ni Gladys.

May mga pinagbibigyan naman daw siya sa ilang pagkakataon at bini-video pa ang kunwaring sampalan scene nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sey ni Gladys, hindi niya tinotodo ang kanyang sampal dahil baka nga naman mamaga at magdugo pa ang mga mukha ng mga nagpapasampal sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending