Kris bagong 'panakot' ng mga nanay sa makukulit na bata | Bandera

Kris bagong ‘panakot’ ng mga nanay sa makukulit na bata

|September 02,2019
facebook
share this

Kris bagong ‘panakot’ ng mga nanay sa makukulit na bata

- September 02, 2019 - 12:05 AM

RAYVER CRUZ AT KRIS BERNAL

KUNG inaakala n’yong tapos na ang paghihiganti ni Kris Bernal bilang si Naomi sa Kapuso afternoon horror-suspense series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, nagkakamali kayo.

Naniniwala sina Matteo (Rayver Cruz) at Yvie (Megan Young) na napalayas na ang naghihiganting kaluluwa ni Naomi sa pamamagitan ng exorcism kaya ang susunod nilang gagawin ay alamin kung bakit bumalik ito mula sa hukay.

Dadalawi nila ang puntod nito at doon itatanong kung ano nga ba ang dapat nilang gawin para tuluyan nang matahimik ang kaluluwa nito. Aalamin din nila kung bakit nagpapakita rin ito sa anak nilang si Santino.

Ang hindi alam ng mag-asawa, nagpapainit lang si Naomi para sa mga susunod niyang paninindak.

Nagre-recharge lang siya para mas maging matindi ang paghahasik niya ng lagim.

Hinding-hindi siya papayag na maging maligaya sina Yvie at Matteo habang patuloy siyang nagdurusa.

At kung ano ang susunod na kahindik-hindik na plano ni Naomi yan ang aba-ngan n’yo sa pagpapatuloy ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Kasama pa rin sa HSDNBK sina Boots Anson-Roa, Kim Domingo, Beverly Salviejo, Rodjun Cruz, Boboy Garovillo, PJ Abellana, Sharmaine Arnaiz at Francine Prieto.

In fairness, si Kris Bernal na ngayon ang ginagamit na panakot ng mga nanay kapag makukulit ang kanilang mga anak. Ang dialogue nila, “Sige ka kukunin ka ni Naomi kapag salbahe ka!?”

Sey naman ng ibang mommy, “Gusto mo bang makita si Naomi? Behave ka lang kung hindi makikipaglaro siya sa ‘yo!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaloka, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending