RAYMART kakasuhan ng perjury ni TULFO? | Bandera

RAYMART kakasuhan ng perjury ni TULFO?

|May 30,2012
facebook
share this

RAYMART kakasuhan ng perjury ni TULFO?

- May 30, 2012 - 02:58 PM

Malaking sampal ang umabot sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto nang may mag-post ng pangalawang video tungkol sa tinatawag na Thrilla In NAIA ngayon ng ating mga kababayan.

Panay-panay ang kanilang panawagan noong una na kung sinuman ang nakapag-video ng naganap na engkuwentro nila ni Mr. Ramon Tulfo, kung maaari sana ay ilabas na, handa rin daw silang magbigay ng pabuya sa kung sinumang makapaglalabas ng totoong nangyari.

Para namang sinagot ang kanilang panawagan, meron ngang sumunod na video, pero naging taliwas ‘yun sa kanilang inaasahan.

Sila pa rin ang nadiin sa video dahil pinagpipistahan ngayon ang aktong binigyan ng suntok-sampal ng isang lalaking naka-pink t-shirt ang beteranong kolumnista.

Sa isang panayam ay sinabi ni Raymart na hindi ‘yun ang eksaktong naganap, kalagitnaan daw ng unang video ‘yun, nawawala raw ang aktong sinipa ng radio-TV anchor si Claudine.Marami na raw milagrong nagaganap ngayon sa internet, parang gustong palabasin ni Raymart na edited na ang ikalawang video na lumabas, pati ang kanilang abogado ay nagsabing bakit huhusgahan ang kanyang mga kliyente nang dahil lang sa isang limang segundong video?

Kailangang sabihin ‘yun ni Raymart dahil baka balikan siya ng kasong perjury ng kampo ni Mr. Tulfo, bahagi kasi ng kanyang sinumpaang salaysay na ang beteranong kolumnista ang unang nanakit, hindi ang kanilang grupo.

Pero malinaw ang laman ng ikalawang video, nakatayo lang si Mr. Tulfo nang biglang dukwangin ng isang Eduardo Atilano para kutusan, kabaligtaran ‘yun ng kanilang pahayag nu’ng una.

‘Yun ang mahirap sa sobrang pagsasalita.

Maraming kailangang bawiin kapag nagkakaipitan na.

Walang salita, walang babawiin, ganu’n lang naman kasimple ‘yun.

Ano naman kayang video ang lalabas sa mga susunod na araw?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending