Kaluluwa ni Liezl Martinez hinding-hindi matatahimik dahil kina Albert at Amalia | Bandera

Kaluluwa ni Liezl Martinez hinding-hindi matatahimik dahil kina Albert at Amalia

Cristy Fermin - March 28, 2015 - 03:00 AM

ALBERT AT LIEZL MARTINEZ

ALBERT AT LIEZL MARTINEZ

Hanggang ngayon ay bumubula pa rin ang bibig ni Ms. Amalia Fuentes, napakarami niyang isinisiwalat na rebelasyon tungkol kay Albert Martinez, nakakawindang ang mga impormasyong inilalabas ng bete-ranang aktres.

Mismong mga kaibigan na ng veteran actress ang nagsasabi na ganyan talaga siya, huwag na huwag mo siyang bubulabugin, dahil para siyang kuta ng langgam na kapag nagsimula nang kumilos ay hindi na napipigil.

Wala na raw kahit sinong makapipigil pa sa kanya ngayon sa paglalabas ng mga pinaggagawa ni Albert bago namayapa ang kaisa-isa niyang anak na si Liezl Sumilang Martinez.

May kuwento pa siyang inilabas tungkol sa panghihingi sa kanya ni Albert ng P10 milyon, hanggang sa tinext na raw siya ni Romeo Vasquez dahil humihingi raw sa kanya ang aktor nang P1.2M habang nasa ospital si Liezl.

Sa kanyang mga rebe-lasyon ay lumalabas na mukhang pera si Albert, na parang ginawang sangkalan ng aktor ang pagkakasakit ng kanyang misis para makakuha ng pera sa kanyang biyenan, kahit pa hindi naman maganda ang kanilang samahan.

Sa lahat ng mga pangyayaring ito ay isa lang ang nakakaalarma, patay na si Liezl, ang tanging nag-uugnay sa kanilang dalawa. Hindi kaya dahil sa kaguluhang ito ay maligalig ngayon ang kaluluwa ng taong pareho nilang mahal?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending