Miguel maraming sakripisyo bago naka-graduate
MAS mahalaga pa rin para sa Kapuso teen actor na si Miguel Tanfelix ang makapagtapos ng pag-aaral kaya’t masayang-masaya siya nang finally ay maka-graduate na siya sa highschool.
Nakasama niya sa importanteng araw ng kanyang buhay (graduation day) ang kanyang pamilya at ang kanyang ka-loveteam sa GMA TeleBabad series na Once Upon A Kiss na si Bianca Umali.
“Masaya po ako dahil isang malaking achievement po para sa akin itong pag graduate ko ng high school. Unti-unti ko pong natutupad yung mga pangarap ko at napakalaking bagay po sa akin yung pag-aaral ko.
“At the same time, nagpapasalamat din ako sa lahat ng taong sumuporta sa akin especially ang aking mga magulang na parating nandyan para ipaalala sa akin yung importansya ng pag-aaral,” pahayag ni Miguel.
At sa kanyang pagtanggap ng diploma, alay niya ito sa kanyang mga magulang at sa Panginoon, “Siyempre po unang-una sa lahat, kay God. Lagi ko pong pinagdadasal na sana makatapos ako ng high school.
Binigyan nya po ako ng lakas para magawa ito. “Sunod po sa aking mga magulang na nandyan parati para suportahan ako. We come from a family rin po kasi of educators.
Yung lola ko po owns a school and simula po pagkabata itinuro na nila sa akin ang kahalagahan ng pag-aaral kaya po para sa kanila rin po iyong diploma ko.
“Kahit po nu’ng nag-artista na ko, sinasabi po nila parati sa akin na hindi habang buhay yung pag-aartista kaya dapat mag-aral ng mabuti para meron din ibang career na mapupuntahan aside from showbiz,” sey pa ng binatilyo.
At para sa iba pang celebrities na nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral, ang pagkakaroon ng time management ang isang bagay na dapat nilang matutunan ayon kay Miguel.
“Dapat alam nila kung gaano kahalaga yung education sa buhay nila. Walang imposible pag ginusto mo di ba. Tapos time management is very important. You have to devote time for your studies kahit pagod ka na sa taping mo.
“Maraming sacrifices na dapat gawin like hindi ka na muna lalabas or maglalaro with your friends just to focus on your studies. And last is discipline po sa sarili if you want to achieve something,” aniya pa.
Samantala, patuloy na tutukan ang mas lalo pang gumagandang takbo ng kuwento ng Once Upon A Kiss gabi-gabi pagkatapos ng Pari ‘Koy.
Kasama pa rin dito sina Manilyn Reyes, Keempee de Leon, Cris Villanueva, Mylene Dizon, Michael de Mesa, Betong Sumaya, Frank Magalona, Eunice Lagusad, Miggy Jimenez, Cai Cortez at marami pang iba.
Ito’y sa direksiyon pa rin ni Bb. Joyce Bernal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.