Taga-QC wagi ng P59.2M jackpot sa Mega Lotto
Leifbilly Begas - Bandera March 22, 2015 - 03:43 PM
Sa Quezon City tumaya ang nanalo ng P59.2 milyong jackpot prize sa huling bola ng Mega Lotto 6/45.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo sa bola noong Biyernes ay tumaya sa Murphy, Cubao. Siya ang nag-iisang tumaya sa mga lumabas na numerong 02-03-30-14-29-22. Nagkakahalaga ng P26.38 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola. Nanalo naman ang 57 mananaya ng tig-P23,140 matapos makuha ang limang numero at tig-P370 ang 2,815 mananaya na naka-apat na numero. Balik-taya (P20) naman ang 38,656 mananaya na nakatatlong numero.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending