CA nagpalabas ng TRO vs suspension ni Junjun Binay | Bandera

CA nagpalabas ng TRO vs suspension ni Junjun Binay

- March 16, 2015 - 02:45 PM

The Court of Appeals

The Court of Appeals

NAGPALABAS kahapon ang Court of Appeals (CA) Sixth Division ng 60-araw temporary restraining order (TRO) na nagpapatigil sa kautusan ng Office of the Ombudsman na isuspinde si Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay ng anim na buwan.
Nauna nang sinuspinde ng Ombudsman si Binay noong Marso 11, 2015, matapos kasuhan ng isang special panel si Binay at maraming iba pa ng graft at malversation of public funds kaugnay ng umano’y overpriced Makati City Parking Building 2.
Naghain ng petisyon si Binay sa CA na humihiling na maglabas ng TRO laban sa kautusan ng Ombudsman.
Hiniling din ni Binay na ipawalang bisa ang kanyang pagkakasuspinde sa pagsasabing nagmalabis ang Ombudsman nang ipalabas ang kautusan.
Sa limang-pahinang kautusan, itinakda ng CA ang oral argument para sa permanenteng injunction na hinihingi ni Binay sa Marso 30.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending