Bakbakang Dingdong-Zanjoe sa primetime mas tumitindi
Wa epek ang Primetime King na si Dingdong Something kay Zanjoe Marudo.
When Dingdong’s recent teleserye Pari ‘Koy premiered on television ay pinakain ito ng alikabok ng Dream Dad ni Zanjoe.
In a report we saw on the internet ay nagtala ng 32.5% ang Dream Dad nina Zanjoe and Jana Agoncillo samantalang 17% lang ang nakuha ng ng Pari ‘Koy.
That’s according to the March 9 data result from Kantar Media. Take note na halos 16% ang lamang ng teleserye ng Dos sa bagong drama series ng Siyete.
Noong March 10 naman ay higit na pinataob ni Zanjoe si Dingdong nang magtala ng 33.9% ang show na una against 15.7% na nakuha ng show ng huli.
Of course, Dingdong’s cheerleaders will say na bago pa lang ang show ng idol nila kaya hindi pa ito umaalagwa. But comparatively, hindi ba’t nakakahiya na pinataob ang Primetime King ng Siyete ng isang Zanjoe Marudo lang?
We have not seen any of the shows of the two but easily, the recent survey showed na hindi pa rin matinag-tinag ang posisyon ng Dos when it comes to primetime.
As to Dingdong, mukhang hindi nakatulong sa kanya ang pagganap niya ng pari for the first time. Unang-una kasi, may conflict dahil alam naman ng mga tao na pamilyado na siyang tao.
Parehong value-driven series ang teleserye ng dalawa kaya lang ay hindi talaga makaalagwa ang Siyete. Palagi silang nabubutata sa Dos.
Sayang dahil maganda pa naman ang show ni Dingdong at mukhang may promise dahil first time yata na wala siyang leading lady.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.