IKA-2 SUNOD NA TITULO ASINTA NG LADY EAGLES | Bandera

IKA-2 SUNOD NA TITULO ASINTA NG LADY EAGLES

Mike Lee - March 14, 2015 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
3:30 p.m. La Salle vs Ateneo

NAKASALALAY sa laro ngayon kung makakagawa ba ng kasaysayan o hindi ang Ateneo de Manila University sa 77th UAAP women’s volleyball.

Sa ganap na alas-3:30 ng hapon magtutuos uli ang Ateneo at karibal na De La Salle University sa Game Two ng finals at nakaumang sa Lady Eagles ang 16-0 pagtatapos.

Sapul nang ipairal ang thrice-to-beat advantage sa championship round noong 2009 ay wala pang koponan na winalis ang double-round elimination ang nakakumpleto sa perfect season.

Ang La Salle ay nakapagtala ng 14-0 marka noong 2011 at 2013 pero natalo sila sa unang laro sa finals. Noong nakaraang taon ay naisuko pa nila ang titulo sa Lady Eagles.

Galing ang Ateneo sa 25-18, 25-19, 25-19 straight sets panalo sa Lady Archers para magtiwala ang mga panatiko na magagawa nila ang sweep na magpapatamis sa ikalawang sunod na kampeonato sa liga.

Si Alyssa Valdez na bago ang larong ito ay gagawaran ng Most Valuable Player award, ang muling magdadala ng laban para sa Lady Eagles.

May 25 puntos, kasama ang 22 kills, si Valdez sa unang tagisan habang ang mga kasamahang sina Amy Ahomiro, Bea de Leon, Michelle Morente at Julia Morado ay naghatid din ng solidong suporta.

“Laging sinasabi ni coach Tai (Bundit) ang kahalagahan ng team work at maglaro na happy,” wika ni Valdez.

Tiyak naman na handa ang La Salle na higitan ang ipakikitang laro ng karibal para makaisa sa serye.

Ngunit para mangyari ito, kakailanganin ng tropa ni coach Ramil De Jesus ang mas matibay na laro mula sa kanyang mga beterana para mapunuan ang pagkawala ng skipper at kamador nitong si Ara Galang.

Si Cydthealee Demecillo ay mayroong 10 hits sa naunang tagisan pero nalimitahan sina Mika Reyes at Desiree Cheng sa pinagsamang limang hits.

Sa kabuuan, ang Lady Archers ay mayroon lamang 29 attack points na nakuha sa 105 attempts kumpara sa 44 puntos sa 116 attempts ng Lady Eagles.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dapat ding gumana ang serve game ng La Salle matapos mabokya sa unang pagtutuos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending