Sam Concepcion nag-sorry sa mga Bulakenyo, nabiktima ng Producer | Bandera

Sam Concepcion nag-sorry sa mga Bulakenyo, nabiktima ng Producer

Ervin Santiago - March 03, 2015 - 02:00 AM

sam concepcion
NAGBIGAY ng public apology ang actor-singer na si Sam Concepcion sa kanyang fans matapos makansela ang kanyang naka-schedule na concert sa San Miguel, Bulacan  noong Feb. 26.

Ayon kay Sam, nagkaroon daw kasi sila ng problema sa producer ng show kaya napilitan silang huwag na itong ituloy.
“I would like to inform the public that my show in Bulacan, which was scheduled last February 26, 2015, did not push through due to the event producer’s failure to fulfill his contractual obligations.

“I regret the inconvenience the cancellation may have caused the public in general and my student fans in particular,” anang binata sa official statement na ipinadala niya sa  The Buzz noong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat ng programa, hindi natugunan ng producer ng concert ang ilang mga nakasaad sa pinirmahan nilang kontrata. Bukod dito, napag-alaman na nagpakilala raw ang producer na empleyado ng ABS-CBN, pero hindi raw ito totoo.

Sabi pa sa report, wala rin daw permit ang producer sa venue kung saan gaganapin sana ang concert. Samantala, bago ang show ni Sam, nakatakda rin sanang mag-show ang The Voice Kids finalist na si Darren Espanto sa nasabi ring venue.

Nakuha naman ng The Buzz ang statement ng producer na nakilalang si Stanley delos Santos. Paliwanag niya, “Supposedly may first na concert na magaganap. Si Darren po talaga.

Nagkaroon po kami ng problema dahil nasunog ‘yung venue so hindi na siya pwede. Umasa pa din kami na doon gaganapin kaya nagtuloy tuloy pa din kami sa rehearsals, sa preparations.

“Na-refund na po namin yung karamihan nung kay Darren. Ang nangyari po, sa kagustuhan kong matuloy din, naghanap kami ng backup na pwede namin ipalit,” ayon kay delos Santos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending