Inigo Pascual sa bashers ni Piolo: Tao rin kami, we're not robots! | Bandera

Inigo Pascual sa bashers ni Piolo: Tao rin kami, we’re not robots!

Ervin Santiago - March 02, 2015 - 02:00 AM

piolo pascual
NIRESBAKAN din ni Inigo Pascual ang mga bashers ng kanyang amang si Piolo Pascual, partikular na ang babaeng tumawag ng “bakla” sa Kapamilya leading man.

“We’re not robots,” ang mensaheng ipinost ni Inigo sa kanyang Instagram account bilang sagot sa mga netizens na patuloy na nambabastos sa kanilang mag-ama, lalo na du’n sa mga taong patuloy na kumukuwestiyon sa gender ng kanyang tatay.

Ayon kay Inigo hindi niya masisisi ang kanyang ama kung pumatol man ito sa mga bashers dahil tao lang din sila na naaapektuhan sa mga malilisyosong balita.

Sa katunayan, kahit daw siya ay pumapatol din paminsan-minsan sa mga netizen na walang ginawa kundi ang manira ng kapwa.

Ayon pa kay Inigo sa isang panayam, “Parang yung ginawa ni Papa, it just proves na we’re human, we have emotions. And we snap at times, we’re not robots. When people say bad things to us, like normal people, we get hurt.

“And there’s a tendency that we say something back to them. Because we’re human, we’re not robots and we can’t just take it in all the time, you know,” sey pa ng binatilyo sa nasabing interview.

Paliwanag pa ni Inigo, nagawa lang daw ni Piolo ang pumatol sa bashers dahil sa pagtatanggol sa kanya. Nais lang daw ng aktor na protektahan siya bilang anak.

Pero aniya, hangga’t maaari ay huwag nang patulan ang mga taong ito para hindi na humaba ang issue. “What everyone tells me, my manager and anyone who wants to help… they say, ‘Don’t do anything to haters kasi once you give them your attention, they win,” hirit pa ni Inigo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending