Bati na: Coco Martin nilapitan, niyakap si Ate Guy
Sa wakas, nagkrus din ang landas nina Teleserye King Coco Martin at Superstar Nora Aunor matapos ang kinasangkutan nilang kontrobersiya noong nakaraang taon.
Nagkita ang dalawa noong Huwebes ng gabi sa awarding ceremony ng 13th Gawad Tanglaw na ginanap sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.
Pareho silang tumanggap ng award nu’ng gabing yun – nakuha ni Coco ang tropeo para sa Best Performance by an Actor in a TV Series, habang si Ate Guy naman ay nanalong Best Actress in a Film kung saan naka-tie nga niya si Angelica Panganiban.
Si Coco ang unang lumapit at bumati kay Ate Guy matapos niyang tanggapin ang kanyang award. Maraming natuwa nang yakapin pa ng aktor ang Superstar, patunay lang daw ito na wala nang isyu sa pagitan ng dalawang award-winning celebrities.
Kung matatandaan, naging malaking balita ang diumano’y hindi pagkakaintindihan nina Coco at Ate Guy nang gawin nila ang pelikulang “Padre de Pamilya”. Ayon sa tsismis nagkaroon daw ng utang ang Superstar kay Coco na mariin namang pinabulaanan ng aktor.
Anyway, malapit n’yo na ring mapanood ang Wansapanataym Presents Yamishita Treasures na pagbibidahan nina Coco at Julia Montes under Dreamscape Entertainment sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.