May ka-chat mate na foreigner (2)
Sulat mula kay Sherlyn ng Sto Nino, Lapasan, Cagayan de Oro City
Problema:
1. October 13, 1989 ang birthday ko at may ka-chat mate akong foreigner, siya ay isang dating U.S. Army pero retired na siya. Sa ngayon madadalawang taon na ang aming relasyon at dahil nakaipon na daw siya ng sapat na pera, binabalak nya na raw akong pasyalan dito sa ating bansa para daw magpakasal na kami at pagkatapo ay sa U.S. na kami maninirahan.
2. May asawa siya dati pero matagal na daw silang divorce nito, kaya wala daw problema kung sakaling papakasalan nya ako. Itatanong ko lang Sir Greenfield kung compatible ba kami at hindi kaya niloloko nya lang ako, pero madami na din siyang naipadala sa akin mula ng naging kami kaya umaasa naman ako na totohanin niya ang kanyang pangako. February 1, 1953 ang birthday nya.
Umaasa,
Sherlyn ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) at Aquarius naman ang ka-chat mate mong foreigner ay nagsasabing compatible at tugma talaga kayong dalawa, dahil ang Libra at Aquarius ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong hangin o air.
Numerology:
Habang ang birth date mong 13, ay nagsasabing bukod sa zodiac sign tugma din kayo ng ka-chat mate mong foreigner sa birth date na 1 at 13. Ibig sabihin malaki ang posibilidad na kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama habang buhay.
Graphology:
Ang lagda mong malinaw na malinaw na isinulat at may mahabang straight line at may bilog at tamang-tama lang na lower loop, ang nagsasabing sa pag-aasawa may biglang suwerteng magaganap at sa pag-aasawa tiyak na yayaman ka at habang buhay ng uunlad at magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Sherlyn ayon sa iyong kapalaran, siguradong totohanin ng ka-chat mate mong foreigner ang kanyang pangako na papasyalan ka dito sa ating bansa upang pakasalan ito ay mangyayari sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ng Abril hanggang Mayo, upang pagsapit ng taong 2016 sa ganito ring panahon, magsa-summer, tuluyan ka ng makakarating at makapaninirahan sa U.S. upang bumuo ng isang masaya at pang habang buhay nang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.