REVIEW: ‘Minions & Monsters’ walang preno sa saya at kalokohan!

MAS makulit, mas maingay, at mas nakakaloka ang experience!
Ganito namin mailalarawan ang bagong pelikula na “Minions & Monsters” na showing na ngayon sa mga lokal na sinehan.
Naimbitahan ang BANDERA sa Philippine premiere nito at masasabi naming swak na swak ito kasama ang buong pamilya.
Sa umpisa hanggang dulo, talaga namang mabubusog ang inyong mga mata dahil sa makukulay at detalyadong visuals nito.
Baka Bet Mo: LIST: 3 Hollywood movies na pasabog ngayong Hulyo!
Dire-diretso rin ang takbo ng kwento kaya walang boring na eksena.
Habang sunod-sunod ang kaguluhan at katatawanan, hindi rin mawawala ang interes ng maraming manonood kung ano pa ang susunod na mangyayari sa mga karakter.
Ang maganda rito, hindi lang pambata ang atake dahil ano man ang iyong edad ay tiyak na hahalakhak ka nang todo dahil sa walang prenong kalokohan ng mga Minions!
Sa pinakabagong kabanata ng pinakamalaking animated franchise sa buong mundo, muling pinalawak ng Illumination ang kanilang masayang universe.
Matapos ang tagumpay ng “Despicable Me 4,” hatid ng “Minions & Monsters” ang kwento kung paano nasakop ng mga Minions ang Hollywood.
Lalong PANG pinatindi ang excitement dahil sa star-studded voice cast na kinabibilangan nina Allison Janney, Christoph Waltz, Jeff Bridges, Jesse Eisenberg, Zoey Deutch, Trey Parker, Bobby Moynihan at Phil LaMarr.
Sa direksiyon ni Pierre Coffin, ang filmmaker sa likod ng unang tatlong “Despicable Me” films at ng unang Minions movie, napanatili ang paboritong kakulitan ng mga Minions habang nagdagdag ng panibagong level ng aksyon, katatawanan at monster mayhem.
Kung naghahanap kayo ng pelikulang puno ng tawanan, aksyon, makukulay na eksena at sapat na puso para sa buong pamilya, pasado sa checklist ang” Minions & Monsters.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
