Bela Padilla 1st time sasabak sa teatro, bibida sa ‘People, Places, and Things’

FOR the first time, sasabak na rin sa entablado ang Kapamilya actress na si Bela Padilla!
Ang exciting news ay ibinandera ng The Sandbox Collective sa naging official reveal ng powerhouse cast ng kanilang pinakabagong production na “People, Places, and Things,” isang critically acclaimed play ng British playwright na si Duncan Macmillan na aarangkada sa Pilipinas ngayong Agosto.
Pinakamalaking pasabog sa cast ang theatrical debut ni Bela, na gaganap bilang Emma, isang matagumpay na aktres na unti-unting guguho ang buhay matapos harapin ang kanyang addiction at pagsisimula ng rehabilitasyon.
Makakahalinhinan niya sa naturang papel ang multi-awarded theater at film actress na si Gabby Padilla.
Baka Bet Mo: Bela Padilla sa bagong love life: Baka ma-jinx, wag muna guys!
Makakasama rin ng dalawa ang ilan sa pinakamatinding pangalan sa teatro at showbiz.
Nagbabalik-entablado si Jake Cuenca bilang Mark, habang bibida rin ang tinaguriang First Lady of Philippine Theater na si Menchu Lauchengco-Yulo bilang Doctor, Therapist at Mom.
Hindi rin magpapahuli ang tinaguriang King of Philippine Musical Theater na si Audie Gemora na gaganap naman bilang Paul at Dad.
Kasama rin sa all-star ensemble sina Robbie Guevara bilang Foster, Reb Atadero bilang T, Brian Sy bilang Shaun at Mark (Understudy), Mariella Laurel bilang Laura, Pamela Imperial bilang Charlotte, Miel Abong bilang Jodi, at Salve Villarosa van Schoonhoven bilang Narrator.
Sa direksiyon ni Sab Jose, iikot ang kwento kay Emma na pilit hinaharap ang kanyang nakaraan, addiction, at ang masalimuot na proseso ng paggaling.
Bukod sa emosyonal na tema, kilala rin ang dula sa matapang nitong pagtalakay sa identity, at katotohanan.
Kinikilala ang “People, Places, and Things” bilang isa sa pinakamahahalagang contemporary plays sa nakalipas na dekada dahil sa makapangyarihan nitong paglalarawan ng addiction, rehabilitation, at healing.
Mapapanood ang espesyal na staged reading sa The Blackbox at the Proscenium Theater sa Rockwell, Makati sa August 15 at 16.
Apat na performances lamang ang nakatakda kaya tiyak na magiging espesyal na treat ito para sa mga mahilig sa teatro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
