Vin Abrenica ipinagsa-shopping ng mga damit ni Sophie Albert | Bandera

Vin Abrenica ipinagsa-shopping ng mga damit ni Sophie Albert

Julie Bonifacio |February 16,2015
facebook
share this

Vin Abrenica ipinagsa-shopping ng mga damit ni Sophie Albert

Julie Bonifacio - February 16, 2015 - 02:00 AM

sophia andres
NANGAKO ang Artista Academy grand winner na si Sophie Albert na todo-effort ang gagawin niya para sa boyfriend niya na si Vin Abrenica sa Valentine this year. By this time, na-surprise na niya si Vin sa kanyang Valentine gift na video.

“Hindi naman niya ako pinilit na gumawa ang surprise for him. Kasi nagi-guilty lang ako na parang baka isipin niya hindi siya special sa akin dahil wala akong ginagawang special (for him),” lahad ni Sophie noong makausap namin during one-on-one interview sa presscon ng WATTPAD Presents ng TV5.

Almost two years nang magdyowa nina Sophie at Vin. And so far, going smooth pa rin ang relasyon nila. Pati ang manager ni Vin na si Noel Ferrer ay wala naman daw sinasabi na masama sa kanya.

“Si Vin naman kasi very focus siya sa work, e. Hindi talaga, hindi siya nagi-interfere. Hndi niya pinababayaan ang trabaho niya,” sambit niya. Never din nakialam si Sophie sa mga projects ni Vin.

Gaya na lang ng  bagong play na gagawin ni Vin kung saan kailangan niyang magpakita ng katawan at may maseselang eksena.

“Na-mention nga niya ‘yun sa akin. Kasi ‘yun nga, nagsimula kami gusto naming maging artista. Nagsimula kami sa Artista Academy.  Nagkakilala kami na eto ‘yung gusto naming gawin. I trust him naman, e, kung ano ang gusto niyang gawin okey lang,” esplika niya.

Good influence raw talaga si Sophie kay Vin. In fact, mas lalong gumuwapo ang brother ni Aljur ngayon. At mas madalas na ring magsalita in English si Vin sa tuwing sasagot sa mga interbyu sa kanya.

Na-curious tuloy kaming malaman kung paano niya inaalagaan si Vin, “Dati tinuturuan ko siyang magbihis, mag-ayos,” natatawang sabi ni Sophie. “Ngayon hindi na, kaya na niya. Siya na lahat ‘yan.”

Mismong si Vin daw ang nagtatanong sa  kanya kung alin ang mas magandang  isuot. At kapag nagsa-shopping daw sila, si Sophie ang namimili ng damit ni Vin. Pero si Vin daw ang nagbabayad at hindi siya.

Nakatakda namang pumunta ng London si Sophie sa last week ng July. Mag-aaral siya sa Academy of Freelance Makeup for three weeks, “Uh, mag-aaral ako ng hair and makeup.

Hilig ko talaga ‘yun. Kasi parang gusto kong maging make-up artist. At least, kapag wala na akong work meron akong pagkakaabalahan.”

Pinayagan naman daw siya ng TV5. Hopefully, maganda ang maging resulta ng assessment na gagawin ng Happy network kay Sophie anytime this year. Five years ang naunang kontrata ni Sophie sa TV5 and this is her third year.

May bagong episode ni Sophie para sa WATTPAD Presents na ipapalabas na sa Lunes hanggang Biyernes (Feb. 16 to 21) kasama si Ahron Villena, ang “Cupid’s Fools” at 9 p.m..

Ahron will play the role of a heartthrob na kabi-break pa lang sa kanyang girlfriend na gagampanan naman ni Danielle Lee, younger sister ni Divine Lee.

Pagkatapos ng episode nina Sophie at Ahron ipapalabas naman ang “Ex Ko Ang Idol N’yo” (Feb. 23 to 27)  na pagbibidahan nina Marvelous Alejo at Ranz Kyle na kabilang sa teen group ng TV5 na Chicser.

Sa March 2 to 6 naman mapapanood ang “Ex Ko Ang Idol N’yo” sa WATTPAD Presents na mala-fairy tale ang kwento tampok sina Phytos Ramirez at Katrina Velarde a.k.a Suklay Diva.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At last of the second batch ng WATTPAD season 2 stories ang “My Fiance Since Birth”. Pangungunahan ito ng co-winner sa Artista Academy at boyfriend ni Sophie na si Vin Abrenica together with Yassi Pressman  na mapapanood from March 9 to 13.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending