MAY plano ang isang grupo ng militar o kapulisan na magsagawa ng coup upang mapatalsik si Pangulong Noy dahil sa masaker sa Mamasapano, Maguindanao.
Isang bilyonaryong negosyante na controversial ang pangalan ang nasa likod daw ng coup plot.
Huwag na ninyong ituloy ang inyong balak, mga pare ko, dahil kapag napa-litan si P-Noy mas malala ang papalit sa kanya.
Gusto ba ninyo, mga pare ko, na papalitan ng isang kawatan ang Pangulo?
Anong ba ang pipiliin n’yo, isang kawatan o isang tanga?
Kung ako ang inyong tatanungin, pagtiyagaan na lang natin ang isang tanga dahil hindi siya magnanakaw.
Kapag iniluklok natin ang isang kawatan baka ubusin nito ang pera sa kaha.
Kayong mga tangang tagahanga ng kawatan, alam ba ninyo kung saan nanggagaling ang binibigay sa mahihirap ng taong ito? Sa nakaw!
Kung wala kayong moralidad sa inyong pagkatao, sige, iluklok ang isang magnanakaw sa Malakanyang.
Hindi kataka-taka na ang nasa likod ng coup plot laban kay P-Noy ay isang negosyante na malapit na kaibigan ng kawatan.
Magkasabwat sila sa nakawan.
Bigyan ko kayo ng hint kung sino ang negosyanteng nabanggit: Siya’y may-ari ng isang malaking condominium complex sa Makati na nakabili ng lote na pag-aari ng isang organisasyon ng kabataan.
Ang lote ay ipinagkatiwala doon kay Mr. Kawatan dahil sa kanyang mataas na puwesto sa organisasyon ng kabataan.
Nasangkot din ang negosyante ito sa isang bank scam.
Matapos nilang pagbabarilin ng walang awa ang mga police commandos na nakahandusay, sumigaw ang mga armadong kalalakihan ng “Allahu akbar!” na ang ibig sabihin “Magaling ang Diyos.”
Anong ginaling sa walang awang pagpatay sa mga taong naghihingalo na at di na makakalaban?
Bakit tatawagin ang ngalan ng Diyos sa pagkatay sa mga taong di na lumalaban?
Ang Diyos, kahit na ano pa man ang pangalan Niya (Allah, Yahweh, Jehovah, atbp.) ay lubhang mapagmahal, lubhang mapagpatawad at lubhang maawain.
Ang Diyos ng Islam, na kinabibilangan ng mga armadong kalalakihan na umutas sa ilan sa mga 44 Special Action Force (SAF) commandos na buhay pa, at ang Diyos ng mga Kristiyano, na karamihan sa SAF, ay iisa lang.
Maaari bang sagutin ako ng ating mga kapatid na Muslim kung bakit walang pinagbabaril ng mga kapwa nila Muslim ang mga sundalo na nakalugmok na?
Sa aking pagkakaalam, ang Islam ay relihiyon na nagtuturo ng pagmamahal sa kapwa gaya ng relihiyon ng mga Kristiyano.
Walang sentido-komon (common sense) sina Gen. Pio Catapang, chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at Maj. Gen. Edmundo Pangilinan, commander ng Army 6th Infantry Division sa Maguindanao.
Kahit na hindi nakipag- coordinate ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa AFP, dapat ay tumulong ang militar sa mga pulis na nagigipit dahil sila’y mga comrades-in-arms.
Sinabi ni Catapang na ayaw niyang labagin ang peace agreement sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaya’t nag-alinla-ngan ang pagtulong ng AFP sa mga tropang napaligiran ng mga rebeldeng Moro.
Ayaw kanyunin ni Pangilinan ang kinaroroonan ng MILF na nang-ambush sa mga SAF commandos dahil di raw nakipag-coordinate ang mga ito sa kanya.
Sino ba ang kakampi nina Catapang at Pangilinan, ang mga SAF o ang MILF?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.