Radio host ayaw makasama si Arnell Ignacio sa show ng TV5 | Bandera

Radio host ayaw makasama si Arnell Ignacio sa show ng TV5

Julie Bonifacio - February 10, 2015 - 03:00 AM

 

arnel ignacio
Ni-reveal naman ng “herbalaryo” na si Dra. Edinell Carvalio na siya ang nag-suggest ng name ni Dr. Hayden Kho na maging co-host niya sa kanyang TV program na Healing Galing sa TV5 every morning from Monday to Friday.

Ang una raw sinabi kay Dra. Edinell na magiging co-host niya sana ay ang komedyanteng si Arnell Ignacio. Type naman siya ni Dra. Edinell pero ipinaliwanag niya sa management na baka maubos lang ang oras ng programa sa kakatawa niya kay Arnell.

Magkakilala kasi sila ni Arnell from way back  pa. At sa tuwing magkikita sila ay walang tigil ang tsikahan nila’t tawanan. So, imbes na makapagbigay sila ng advice sa  televiwers ay baka kung saan-saan daw topic sila mapunta.

Estudyante pa lang sa kolehiyo si Dra. Edinell ay nakilala na siya ni Noli de Castro. Nagkasama raw sila ni Noli noon sa DZMM.
Lagi raw siyang bitbit noon ni Noli hanggang sa mabigyan na rin siya ng sariling radio show.

Pero bigla raw nagkaroon ng intriga kaya umalis na lang siya sa pagiging radio host. Pagkatapos noon ay nagpunta siya sa Sri Lanka para sa herbal/alternative medicine.

“Doon nagsimula na ako sa Radyo ng Bayan  sa DZRB. Paminsan-minsan nagge-guest ako sa DZRH, DZMM. This time, as naturalphatic doctor na.

Tapos one time, tumawag si Luchi (Cruz-Valdes), ang boss namin sa current affairs sa radio,  sabi niya, ‘Edinell kinukumpleto ko ang line-up ng mga announcer ko sa  Radyo Singko. I heard Doki-Doki ka na.’

“Sabi ko, ‘Herbularyo ako. Ha-hahaha!’ ‘O, kahit na, basta nakakagamot ka. Wala akong doktor,’ sagot ni Luchi. “Sabi ko, ‘Naku, kaya ko kaya? Dalawang oras agad,” masayang kwento ni Edinel.

Sikat na sikat ang radio show ni Dra. Edinell kaya naman sandamakmak din ang nagpupunta sa kanyang clinic sa Novaliches. We heard fully booked na ang schedule niya sa clinic  until July 2016, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending