Matteo ayaw pang pakasalan si Sarah: Bata pa kami!
Bata pa raw sila ni Sarah Geronimo para pag-usapan ang kasal. Ito ang sinabi ni Matteo Guidicelli nang tanungin kung hindi ba siya nape-pressure sa kaliwa’t kanang engagement/proposal sa showbiz.
Ayon sa binata, marami pa raw silang pangarap ni Sarah at wala pa sa priorities nila ang pagpapakasal. “Not yet. I’m still 24, so I have a lot of dreams of my own that I want to accomplish and prove.
I want to accomplish things on my own first,” sey ni Matteo sa interview ng ABS-CBN. Pero agad na nilinaw ng aktor na may oras na naiisip din niya ang magiging wedding nila ni Sarah, lahat naman daw ng lalaking nagmamahal ay umaasang maikasal sa babaeng gusto nila.
Ani Matteo, “I’m not saying that I don’t want to tie the knot. It’s just I have something that I want to prove.” “I’m just happy I started the year nice. I’m really thankful of everybody’s inspiring comments, you know, so everything is positive.
So it’s nice and it makes you wake up in the morning with a bigger smile kumbaga,” dagdag pa ng Kapamilya star.
Natanong din ang binata kung may plano na sila ni Sarah sa darating na Valentine’s Day? “We’ll see.
I don’t have anything specific yet, pero siyempre naman meron on that special day. So we’ll see.” Samantala, tuwang-tuwa naman ang fans nina Sarah at Matteo nang makita nila ang litrato ng magdyowa habang enjoy na enjoy sa date nila sa concert ni Michael Buble sa Mall of Asia Arena kamakailan.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang TV host na si Tintin Bersola ng picture nila ni Julius Babao kasama sina Matteo at Sarah na may caption na: “Groufie with @justsarahg and @mateoguidicelli.
In the concert, Michael in his spiels, joked that Sarah Geronimo composed this 1946 song! “And then he was surprised that Sarah was actually in the audience! Cool! #MichaelBubleLiveInManila #MBworldTour #michaelBuble #Awesomeconcert ! @juliusbabao #AshMatt.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.