MARIAN hinding-hindi papayag na apihin nang kahit sino | Bandera

MARIAN hinding-hindi papayag na apihin nang kahit sino

|April 30,2012
facebook
share this

MARIAN hinding-hindi papayag na apihin nang kahit sino

- April 30, 2012 - 03:47 PM


MAGANDA ang pagkakakilala ni Sheena Halili kay Marian Rivera kaya naman puro papuri ang ibinigay nito sa dyowa ni Dingdong Dantes nu’ng makausap siya ng press.

Sabi ni Sheena, palaban lang talaga si Marian at bilib na bilib siya sa tapang ng aktres.

“Si Marian alam lang din niya kung paano ipagtatanggol ang sarili niya which is importante sa aming mga artista ‘yon, ‘di ba?

Kailangang alam namin kung ano ang limitations ng taong nakapaligid sa amin.

Yun lang ‘yung meron siya na hindi nakikita ng ibang tao,” esplika ni Sheena sa presscon ng Tweets For My Sweet. “It’s okay na maging palaban kasi ‘yun ka, eh,” dagdag pa ng dalaga.

Pinansin namin na mukhang ipinagtatanggol ni Sheena si Marian sa mga isyung kinasasangkutan nito, “Hindi naman ipinagtatatanggol iyon.

Sinasabi ko lang ‘yung totoo, kung paano ko siya nakilala,” paliwanag niya.
So, hindi siya nakaranas ng pagmamaldita ni Marian? “Wala talaga, eh,” sambit ng Kapuso star.

Pero humirit siyang maaaring nagagawa iyon ng dalaga for a reason.

“Siguro magagawa lang niya ‘yon…kapag inaapi ka o hindi maganda ang pakikitungo sa ‘yo ng tao.

Ba’t mo nga naman hahayaan ‘yon?” ang pahayag pa ni Sheena.

Ikaapat na pagsasama na nina Sheena at Marian ang Tweets For My Sweet.

Role ng isang mayaman na naghirap ang papael ni Sheena sa sitcom.

Naging service crew siya at doon nagkrus ang landas nila ni Marian.

“Kontrabida, yes,” pag-amin ni Sheena sa kanyang role.

“Medyo magtataray ako kay Marian pero darating ang time na doon namin bubuuin ‘yung friendship namin.”

Inusisa namin si Sheena about her stalker, “Last year siya nag-start. Tatlong beses siyang nagpadala ng bulaklak sa akin.

Wala na siya ngayon. Hindi na siya nagpaparamdam sa akin.

Tinawag namin kasi siyang stalker, puwede namang fan. Baka natakot?”

Hindi kaya ang rumored boyfriend niyang si Rocco Nacino lang ‘yon?

“Bakit sikreto pa, eh, magkaibigan naman kami.”
Sabi pa ng dalaga, hindi na sila nagkikita ngayon ni Rocco, “Dumadalaw lang siya noon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natural lang na dumalaw siya. Umuwi na kasi ako ng Pampanga ulit.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending