ATE GUY binaboy, kinawawa | Bandera

ATE GUY binaboy, kinawawa

- April 28, 2012 - 02:33 PM

Para hindi raw mapili bilang National Artist

HINDI ko alam kung isang joke ang sinasabi nilang kay Kris Aquino raw nanghihingi ng ayuda si Pangulong Noynoy kung sino ang karapat-dapat bigyan ng National Artist award.

Kasi nga, di ba’t isinulong ni Rep. Roilo Golez ang pagiging National Artist ni  Nora Aunor?

Hayun, hindi pumayag ang mga “gutom na gutom” na  Vilmanians na hindi maisama ang pangalan ni Vilma Santos para gawaran din ng nasabing award.

At hindi pa sila nakuntentong maisali rin ang kanilang manok sa pagpipilian dahil this time, they’re singing a different tune – gusto nilang si Vilma lang talaga ang parangalan and that Nora’s name must be deleted.

Kaya kaliwa’t kanang pagbatikos ang ginawa nila kay Mama Guy – hindi lang batikos kundi lait to the max talaga.Anong panama ng text messages ni Cristine Reyes sa ate Ara Mina sa mga nabasa naming pang-aalipusta nila kay Mama Guy?

Kung limang beses pinatay ni Cristine si Ara sa text, triplehin ninyo ang pambabastos nila kay Nora.

Parang pinalabas nilang santa si Vilma at demonya naman si Nora.

Nakakaloka ang mga fans na ito. Ang lalakas ng loob.

Kasi nga, wala talagang kalaban-laban si Mama Guy sa kanila dahil hindi naman nila kilala ang Superstar.

Kumbaga, it’s truly one-way traffic.

Kung bastusin nila si Nora sa Facebook at sa iba  pang internet sites, at kung nakamamatay lang ang mga masasakit na text messages, malamang 3,000 below the ground nang nakabaon si La Aunor.

Ganoon kababoy ang mga lumabas sa mga utak at bibig ng mga Vilmanians.

Nagpakita lang sila ng kanilang mga tunay na kulay.

Kung magsalita sila tungkol sa morality – napakaimoral daw ni Mama Guy.

Nakalimutan nilang mas maraming lalaking na-link kay Vilma, mas marami itong pinagdaanan when it comes to men.

One of which was that controversial Betamax scandal nila ng dating aktor na si Romeo Vasquez.

At kung magsalita naman sila sa pagsusugal daw ni Mama Guy (the casino issue), as if naman hindi nagsusugal si Vilma Santos?

E, ano ang isyung ibinabato tungkol sa kanya na inuumaga raw ‘yan sa mahjongan?

Ang pagpili kasi ng National Artist dumadaan sa mahabang process.

Ang may hawak ng screening nito ay ang National Commission on Culture and Arts.

Then, they will submit the names sa Office of the President.

Ang presidente naman daw ang mamimili sa short list na isinusumite ng NCCA.

“Paano iyan? Kay Kris daw nagtatanong si PNoy kung sino ang mas karapat-dapat maging National Artist dahil wala naman daw masyadong alam ang pangulo sa showbiz.

Naku, tiyak na si Vilma na ang pararangalan niyan kasi nga, solid Vilmanian yang Kris.

Or baka isali pa niya ang pangalan niya for the National Artist nominees, di kaya? Ha-hahaha!” biro ng isang tumawag sa amin.

Sabi ko, hindi naman siguro gagawin ni Kris na isali ang namesung niya as National Artist nominee.

Hindi naman siguro ganoon kaganid si Kris sa aspetong ito.

Maaaring isulong  niya kay PNoy si Vilma dahil fan siya nito. Alam mo naman si Kris kung magmalinis din, di ba?

Naku, bahala sila. Pero ayon sa survey ni Gel Santos-Relos sa States, lumabas na sobrang lamang ni Nora Aunor (kalaban sina Vilma and tito Dolphy) bilang most deserving na parangalan as National Artist.

Nora got 56%, si tito Dolphy ay may 33% at si Vilma ay may 11%.

Kami naman, with or without much votes halimbawa from the people, we also think that tito Dolphy must be honored the same dahil sa sobrang laki ng kontribusyon niya sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Sana huwag lang maging biased si Kris sa kanyang recommendation.

Dapat ay maging objective siya as she discusses this with her brother.

Iyan ay kung totoo ngang PNoy is soliciting advice from his sister.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana nga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending