Liza, Enrique nagkaka-inlaban na | Bandera

Liza, Enrique nagkaka-inlaban na

Ervin Santiago - January 19, 2015 - 03:00 AM

liza soberano

ITINANGGI ng Kapamilya teen actress na si Liza Soberano na may “something” sa kanila ng co-star nila ni Enrique Gil sa Primetime Bida teleserye na Forevermore na si Yves Flores na nakilala noong sumali sa PBB.

Ayon kay Liza, super close lang daw talaga sila ni Yves dahil ilang beses na rin silang nagkasama noon sa mga projects ng ABS-CBN. Wala raw malisya ang friendship nila ng binata na unti-unti na ring nakikilala ng madlang pipol dahil sa karakter nito sa Forevermore.

Kilig na kilig naman ang viewers sa napabalitang kakaibang sweetness nila ngayon ng ka-loveteam niyang si Enrique. Ayon kasi sa chika, mas lalo pa silang naging close ngayon dahil nga literal na araw-araw silang magkasama sa taping ng kanilang serye sa Benguet.

Ayon sa fans ng dalawang bagets, posibleng bago matapos ang Forevermore ay magdyowa na sina Agnes at Xander (mga karakter nila sa kanilang soap opera) sa tunay na buhay.

Sey nga ng isang fan, “Imagine, ilang buwan na silang magkasama sa Benguet, imposibleng hindi sila ma-develop sa isa’t isa, at ang lamig-lamig pa du’n, di ba? Ha-hahaha!”

In fairness, ang tawag na ni Liza kay Enrique ngayon ay “my very special leading man” na talaga namang ikinatuwa ng kanilang supporters. Sa huling interview kay Liza, ipinaliwanag niya kung bakit ito ang tawag niya sa binata, “Siya kasi ang first and actual leading man ko.

And he’s also a great friend because he’s the type of person that I can tell anything. In between takes, whenever I have a problem, I talk to him and he helps me through anything.”

Nag-iba na rin daw ang tingin niya ngayon ka Enrique, burado na raw ang playboy image nito sa isip niya, “Now I know, he’s a very family-oriented person. He does everything for his Mommy, sister and brother.

And also he loves his Daddy very much even though he’s no longer here.” Nangako naman si Enrique kay Liza na, “Promise ko sa kanya kahit anong mangyari in the future best friend ko pa rin siya.”

Samantala, patuloy na namamayagpag sa ratings game ang Forevermore at patuloy din ang mga nakakakilig at nakaka-in love na kuwento nina Agnes at Xander kaya adik na adik na ang madlang pipol sa nasabing serye na napapanood pa rin gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending