Mabubuo na ba ang pamilya ngayong 2015? | Bandera

Mabubuo na ba ang pamilya ngayong 2015?

Joseph Greenfield - January 19, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Roselyn ng Magsaysay St., Miputak, Dipolog City
Dear Sir Greenfield,

Matagal nang hiwalay ang tatay at nanay ko dahil may ibang pamilya na ang tatay ko, pero kahit may iba na siyang pamilya lagi pa rin siyang dumadalaw sa bahay namin at nag-uusap pa naman sila ng nanay ko. Mula ng maghiwalay ang mga magulang ko kaming tatlong magkakapatid ay dito naninirahan sa nanay ko at sabi nya sa amin, nasa tatay ko daw ang pasya kung iiwan nya ang babae nya ay payag naman daw si nanay ko na makipagbalikan para muling mabuo ang aming pamilya. Itatanong ko lang  kung sa taong ito ng 2015 may posibilidad  kaya silang magkabalikan at muling mabuo ang aming pamilya? Yon lang ang wish ko sa taong ito at sana ay matupad lalo na’t dumating ang Santo Papa sa ating bansa? July 19, 1994 ang birthday ko, habang September 13, 1977 ang tatay ko at January 4, 1979 naman ang birthday ng nanay ko.
Umaasa,
Roselyn ng Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Walang sira, hindi nalatid at maaayos naman ang pagkakaguhit ng Family Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda na sa malapit na hinaharap sobrang laki ng posibilidad na muling mabuo ang inyong pamilya.
Cartomancy:
Ten of Hearts, Ten of Diamonds at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.), ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nagkabalikan ang mga magulang nyo, tuloy-tuloy ng darating ang suwerte at magandang kapalaran sa inyong pamilya, lalong lalo na sa material nabagay.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending