Mga ari-arian ni Mang Dolphy ibebenta na ng mga anak | Bandera

Mga ari-arian ni Mang Dolphy ibebenta na ng mga anak

Ervin Santiago - January 07, 2015 - 03:00 AM

DOLPHY

DOLPHY

Kailangan nang ibenta ang mga ari-arian ni late Comedy King Dolphy.

Ayon sa anak ni Mang Pidol na si direk Eric Quizon, magkakaroon sila ng auction para sa mga naiwang properties ng kanilang ama.

Ang mga ibebentang lupa ay matatagpuan sa Cavite, Batangas, Rizal, Bulacan, Laguna at Samar.

Sa interview ng Umagang Kay Ganda kay Eric, sinabi nitong ibebenta nila ang mga nasabing properties sa magaganap na auction sa Jan. 31, 1 p.m., sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound.

“Binubuksan po namin ang auction na ito sa lahat ng gustong sumali. Parang gusto natin mabigyan ang lahat ng chance,” anang actor-director. Inihalintulad pa nito ang magaganap na bentahan sa mga celebrity auctions abroad matapos mamaalam ang mga sikat na celebrities tulad nina Elizabeth Taylor at Michael Jackson.

“Sa amin ang iniwan sa amin ng daddy namin ay properties, puro lupa siya. Itong mga lupang ito, non-performing assets eh. Hindi naman namin magawa ang adhikain namin, yung mga gustong gawin ng pamilya.

“So ginawa namin ito para magkaroon kami ng capital, magkaroon kami ng pera para maipagpatuloy namin ang aming mga adhikain,” esplika pa ni Eric.

Kung matatandaan nagkaroon ng chika kamakailan na hindi raw maganda ang relasyon ngayon ng mga naiwang anak ni Mang Pidol sa dating partner nitong si Zsa Zsa Padilla.

Partikular na tinukoy ang problema diumano nila sa hatian ng mana. Pero until now ay hindi nagsasalita ang dalawang panig tungkol sa nasabing isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending