Bistek nagpaka-cheap, nahawa na ng kaechosan kay Kris
ISANG malaking kalokohan itong sinabi ni Mayor Herbert Bautista na gusto lang niyang i-congratulate si Kris Aquino sa laki ng kinita ng “Feng Shui” at walang kinalaman ang pulitika sa pagdalaw niya sa bahay ng huli.
Para que at pumunta siya sa bahay ni Kris, sige nga? Gusto lang niyang i-maintain ang friendship with her? Huwag niya tayong echosin. Bakit noon ay todo-iwas siya kay Kris nang mabulabog ang pamilya niya.
Kung naalala niyo pa, naapektuhan ang mga anak niya to the point na nilayasan siya ng mga ito for a while — sumama sa mommy nilang si Tates Gana sa States for some weeks.
Pagbalik ng mga bata ay inayos ni Bistek ang relasyon niya with the kids and decided to drop Kris na balitang dyowa na niya. Remember those days?
Ngayon, ano? Sasabihin niyang he’s just rekindling that friendship — just plain friendship echos. That’s panlilinlang sa public, ‘no! Sinong maniniwala that it has nothing to do with politics — mga echos niyang tinext daw muna niya si Kris na walang kinalaman ang pulitika or what sa kaniyang pagbisita.
Nahawa na rin siya kay Kris na uhaw sa publicity — kasi nga, hindi na napag-uusapan si Bistek lately, nawala siya nang konti sa limelight. Kumbaga sa showbiz, nag-wane ang popularity niya kaya heto siya — ginagamit si Kris para makakuha ng atensiyon. Why?
Because, as far as I know, he plans to run for a higher post in the 2016 polls. Natural, kailangan niyang mag-ingay siya. Kahit kaibigan ko at kumpare itong si Bistek, I find his act very distasteful and cheap.
Kahit sino in his right mind, hindi na babalik sa gulo hangga’t maaari, di ba? Hasus! Garbanzos! Tomato sauce! Linlangin ba naman tayo. We’re not born stupid, hijo.
With that, nawalan kami ng respeto kay Bistek. Iba ‘yung aksidente silang nagkasalubong or nagkita sa isang okasyon. As a gentleman, marapat lamang na siya ang lumapit at unang bumati.
Pero para sadyain niya ito sa bahay — what for? Para magalit ulit ang mga anak niya? For all we know, scripted na iyan. Baka may unawaan na sila at sinabihan niya ang mga ito ng “huwag kayong mag-react ha — palabas lang ito” — at its worst.
Ganda na sana ng image niya — ‘yung hindi ipinagpalit ang mga anak niya sa isang babaeng hindi naman talaga para sa kaniya. Kumbaga sa baccarat, 8 na humirit pa — ayon, nabokya tuloy. WTF!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.