Magkaka-trabaho ba ngayong 2015? | Bandera

Magkaka-trabaho ba ngayong 2015?

Joseph Greenfield - January 03, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Karen ng Quezon Aveneu, Miputak, Dipolog City
Dear Sir Greenfield,
Tapos po ako ng kursong HRM at sa kasalukuyan matagal na po akong naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon mag-iisang taon na ay hindi pa rin ako natatanggap sa mga company na
inaaplayan ko. Ask ko lang po kung ano po ba ang dapat kong gawin para magkaroon  ako ng isang maganda at matatag na trabaho?  Nahihiya na  kasi ako sa mga magulang ko na matapos akong pag-aralin ay wala man lang akong maiganti sa kanila. Sa taon po bang ito ay makapagta-trabaho na ako? November 7, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Karen ng Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wala sa ating bansa ang iyong suwerte, kundi nasa abroad. Ito ang nais sabihin ng malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na may isang panahon sa iyong buhay na makapag-aabroad ka  at sa nasabing pangingibang- bansa, doon ka, aasenso, uunlad at sasagana.
Cartomancy:
Ten of Hearts, King of Clubs at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga barahang ito  ang nagsasabing kung ngayong buwan ng Enero 2015 ay mag-aaplay ka sa abroad, tiyak ang magaganap, sa tulong ng isang lalaking may kayumangging kulay na inilalarawan ng King of Clubs,  walang duda sa taon ding ito ay  makapag-aabroad ka.
Itutuloy…..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending