Hindi masaya ang Pasko (2) | Bandera

Hindi masaya ang Pasko (2)

Joseph Greenfield - December 26, 2014 - 02:44 PM

Sulat mula kay Trixie ng Cabittaogan,  Sta.
Catalina, Ilocos Sur
Problema:
1.      Nalulungkot po ako kasi kung kailan magpapasko ay saka pa kami nag-break ng matagal ko nang boyfriend na si Patrick. April 22, 1989 ang birthday niya at September 16, 1990 naman ako. Sa palagay nyo, may pag-asa pa kaya kaming magkabati kahit na mag iisang buwan na kaming hindi nagbabatian?
2.      At kung sakaling hindi na kami magkakabalikan, may iba pa bang lalaking darating sa aking buhay?
Umaasa,
Trixie ng Ilocos Sur
Solusyon/Anaylisis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Taurus naman ang boyfriend mo ang nagsasabing tugma at compatible kayo ng boyfriend mo dahil ang Taurus at Virgo ay kapwa pinaghaharian ng elementong earth o lupa. Ibig sabihin, kung nag-break man kayo  ngayon, sa madaliang hinaharap – magkakabalikan din kayo.
Numerology:
Hindi lang sa astrology kayo tugma at compatible kundi sa numerology din. Ang birth date mong 16 ay sadyang suwetong-suweto sa birth date na 22 ng boyfriend mo.
Graphology:
Upang hindi na kayo muling mag-break kung sakali mang magkakabalikan kayo sa susunod na buwan ng Enero, huwag mong burarain ang unahang bahagi ng iyong lagda. Simpleng “T” lang ang dapat na hindi mo na dapat ipatong ang letrang “D”. Sa paghihiwalay ng letrang “T at D” sa iyong lagda ay magsisimula ka nang lumigaya habambuhay sa larangan ng pag-ibig.
Huling payo at paalala:
Trixie, ayon sa iyong kapalaran, huwag kang mag-alala kung malungkot man ang iyong Pasko dahil siguradong namang magiging maligaya ang New Year  sa muli niyong pagbabati ng boyfriend mo. At ang nasabing maligayang suyuan ay tuloy-tuloy nang tatamasahin hanggang Valentine. Tuluy-tuloy na rin ito hanggang sa magpasya kayong magpakasal at magtayo ng isang masaya at panghabambuhay ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending