MMFF Parade of Stars
Ervin Santiago - Bandera December 23, 2014 - 05:24 PM
DINUMOG ng libu-libong Pinoy ang “Parade of Stars” na dinaluhan ng mga kilalang celebrities na may pelikula sa 2014 Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa Dec. 25.
Nagsimula ang parada dakong alas-2 ng hapon kanina sa Bradco Avenue na dumaan sa Macapagal Avenue, EDSA at Roxas Boulevard. Magtatapos naman ito sa Quirino Grandstand. Parang may malaking rally namang nagaganap dahil sa mga taong nagtipun-tipon sa southbound lane ng Roxas Boulevard na nagtungo roon para masilayan nang personal ang mga artistang kasali sa walong official entry ng MMFF. Tilian ang mga tao kapag nakikita nilang kumakaway sa kanila ang mga paborito nilang artista na nakasakay sa kani-kanilang mga float. Pabonggahan ang mga float ng bawat pelikulang kalahok kung saan makikitang nakasakay ang mga bida ng walong movies kabilang na ang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” nina Robin Padilla, Daniel Padilla at Vina Morales under Philippians Productions, “English Only Please” mula sa Quantum Films starring Derek Ramsay and Jennylyn Mercado. Nandiyan din ang float ng “Feng Shui 2” ng ABS-CBN Productions at Viva Films nina Kris Aquino at Coco Martin; ang “Kubot: The Aswang Chronicles 2” nina Dingdong Dantes, Isabelle Daza produced bu Reality Entertainment, GMA Films at Agostodos Pictures; “Magnum Muslim .357” ng Scenema Concept ni ER Ejercito at Sam Pinto; ang “My Big Bossing” nina Vic Sotto, Marian Rivera at Ryzza mae Dizon ng Octoarts, MZET at APT Entertainment. Hindi rin nagpahuli ang float nina Vice Ganda, Richard Yap at Bimby Aquino Yap para sa “The Amazing Praybeyt Benjamin” ng ABS-CBN Productions at Viva Films; at ng “Shake, Rattle & Roll 15” ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Lovi Poe, Matteo Guidicelli, Erich Gonzales at Carla Abellana. Dahil sa isinagawang Parade of Stars nagbigay ng advisory ang Metropolitan Manila Development Authority para sa alternative routes na maaaring magamit ng mga motorista para makaiwas sa traffic. Lahat ng sasakyan na manggagaling sa southern part ng Manila na dadaan sa northbound lane ng Roxas Boulevard ay maaaring kumanan sa P. Ocampo. Ang lahat naman ng sasakyan na dadaan sa westbound lane ng Quirino Avenue patungong Roxas Boulevard ay maaaring kumaliwa sa Adriatico St., pagkatapos ay kakanan sa P. Ocampo St. at kaliwa uli sa FB Harrison.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending