OFW dapat ligtas sa alagang hayop ng employer | Bandera

OFW dapat ligtas sa alagang hayop ng employer

Susan K - December 19, 2014 - 03:00 AM

BINULAGA tayo ng balitang namatay ang isang OFW na kinilalang si Lourdes Abejuela sa Kuwait matapos itong makagat ng inaalagaang leon ng kanyang mga employer.

Ayon kay Charge d’ affaires Raul Dado ng Philippine Embassy sa Kuwait, agad umanong inaresto ang magkapatid na employer ni Abejuela, subaliit pansamantala silang pinalaya dahil pinayagan silang magpiyansa ng korte.

Matatag namang pahayag ni Dado na papapanagutin nila ang naturang mga employer ng kaawa-awang OFW dahil sa kanilang kapabayaan, na siyang naging sanhi ng kamatayan ng ating kababayan.

Balita pang hindi naging tapat ang mga employer sa kanilang deklarasyon sa hospital dahil kagat lamang ng aso ang kanilang ipinaalam doon at hindi nila ideneklarang leon ang nakakagat kay Abejuela.

Kaya naman matapos malapatan ng pangunahing lunas, pinauwi rin kaagad si Abejuela. Ngunit matapos ang ilang araw, nang makaramdam na ito ng labis na pananakit ng ulo ay saka lamang siya muling ibinalik ng ospital at doon na nga binawian ng buhay.

Ayon pa sa balita, may 15 taon nang naninilbihan si Abejuela sa magkapatid na employer at siya na rin ang nagpapakain sa naturang leon. Noong huli niyang pagpapakain sa  leon, nakakawala ito sa kanyang kulungan kaya’t inatake ang ating OFW.

Katarungan at kumpensasyon ang nararapat lamang para sa pamilya ng biktima.

Hindi ba’t ipinagbabawal sa Kuwait na mag-alaga ng mababangis na hayop sa loob ng tahanan maliban na lang kung nasa loob ito ng zoo? Hindi ba’t dapat may special training ang nagpapakain sa mga hayop tulad ng leon?

Hindi rin ba maaaring ideklara sa kontrata ng mga OFW kung may hayop na aalagan sila? Paano kung takot pala ang OFW kahit sa aso o pusa man lamang? O kaya ay may allergy ito? Wala ba siyang karapatang tumanggi? Lalo pa kung leon o tigre ang kaniyang pakakainin o aalagaan.

Dahil sa insidenteng ito, panahon na upang bigyang pansin ang nakababahalang kalagayan ng ating mga manggagawa sa ibayong dagat.

Wala ba silang karapatan na tanungin nang patiuna o alamin mula sa kanilang mga ahensiyang pinag-aaplayan kung may hayop bang alaga ang kanilang mga employer?
At kung mayroon, at pakiramdam ng OFW takot siyang mag-alaga sa hayop na iyon, nasa kaniya ang lahat ng karapatan na tumanggi sa naturang trabaho at huwag nang tumuloy sa employer na iyon.

Muli nating makakasama sina Capt. Rodolfo Aspillaga, Pangulo ng Masters & Mates Association of the Philippines (MMAP) at ang kanilang bise presidente na si Capt. Edwin Itable sa Bantay OCW sa Radyo Inquirer 990 AM mula 11:00 am hanggang 12:00 noon.

Napapanahong isyu hinggil sa mga usaping maritime an gating tatalakayin gaya ng ipatutupad na batas na naglilipat ng lahat ng kapangyarihan at awtoridad ng PRC patungo sa MARINA?
Kasama na ang patuloy na paglilibot ng Bantay OCW at ng MMAP upang dalawin ang mga training center at assessment centers sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano ito nakatutugon sa pagbibigay ng sapat na kasanayan para sa ating mga seafarer?
Makinig din at sagutin ang aming mga tanong, at baka kayo manalo ng tig P200 worth ng cellphone load sa kagandahang loob ng Maritech Maritime Training Studies.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending