Vic Enjoy na enjoy sa pagiging senior citizen
INE-ENJOY na ngayon ni Bossing Vic Sotto ang kanyang pagiging senior citizen.
Ayon sa TV host-comedian masarap din pala yung feeling na binibigyan ka ng priority sa napakaraming bagay, lalo na sa pagpila sa drugstore at ilan pang major business establishments.
Sa presscon ng pelikulang “My Big Bossing” na official entry ng APT Enterainment, OctoArts Films at MZet Productions, ibinalita ni Vic na nakakuha na siya ng senior citizen card at ginagamit na rin daw niya ito.
Uy, in fairness naman kay Bossing, kahit 60 years old na siya, mukha pa rin siyang bagets. Hindi siya mukhang senior kapag nakaharap mo siya up close and personal. Sabi nga ng kanyang mga Dabarkads sa Eat Bulaga habang nadadagdagan ang kanyang edad ay mas lalo siyang gumugwapo at mas nagiging simpatiko.
At agree na agree kami diyan. Nang matanong si Bossing kung ano ang sikreto at bagets na bagets pa rin ang itsura niya despite being 60, “Siguro sa lifestyle na rin, healthy lifestyle at ang magandang pananaw mo sa buhay. At siyempre, yung pinakamahalaga sa lahat, kapag masaya ka sa buhay mo, it will follow.”
Biro pa nga ni Vic, masaya rin pala yung may priority lane, lalo na raw sa pagbili ng gamot at kapag kumakain sila sa restaurant.
Pero mas naniniwala ang marami na ang dyowa niyang si Pauleen Luna ang nagpapabata sa kanya. Pinupuri nga si Poleng ng ilang members ng press dahil mukhang hiyang na hiyang daw sa pag-aalaga niya ang TV host-comedian.
Samantala, alam ng lahat na parang anak na ang turing ni Vic sa child star na si Ryzza Mae Dizon na bibida rin sa three-in-one movie na “My Big Bossing”, at naging malapit na rin ito kay Pauleen. Kaya natanong ang TV host-actress kung gusto rin niyang magkaroon sila ng sariling anak ni Vic.
“Oo naman, pero sa tamang panahon. At dapat mauna ang kasal. Pero ngayon nag-eenjoy talaga ako kay Ryzza, kasi parang kumare ko na yan. Ha-hahaha! It’s really nice to be around kids, especially with witty and fun kids, so nae-enjoy ko talaga yung company nila,” chika ni Poleng.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.