Robin bagong bayani ng mga bading, tibo at transgender
Saludo rin kami sa tapang at tatag ni kapatid na Robin Padilla dahil bago pa muling pumutok ang isyu tungkol sa pinaslang na transgender na si Jennifer Laude, naideklara na ng TV host-aktor-producer ng pagsuporta sa kabadingan at katomboyan.
Isa nga si Binoe sa mga matitikas na personalidad na openly ay sumusuporta sa LGBT group at noon ngang pumutok ang isyu kay Laude ay talagang matatag ang laban ni Binoe para makamit ng biktima ang katarungan.
Kaya ngayong muling pinag-uusapan ang kaso dahil nakitaan na ng probable cause ng korte ang pagkakasangkot ng isang service man ng US Navy, aba’y matatawag na ito na isang tagumpay para sa pamilya ni Laude.
Akala kasi natin ay magpapawardi-wardi na lang ang lahat dahil imbes na isulong ito ng mga maiingay na taga-gobyerno ay minabuti nilang manahimik dahil nga Amerika ang kalaban natin.
Iba talaga ang tapang ng “Bonifacio” lead actor sa ganitong sensitive issue dahil hindi lang siya basta daldal nang daldal gaya ng ilang politiko diyan, talagang ibinabandera niya sa buong mundo ang kanyang pagsuporta sa mga beki at tibo.
Kaya naman mas lalo siyang minahal at nirespeto ng LGBT community. Very true to life ika nga sa pagkakakilala nating pagkatao ni Gat Andres Bonifacio na muli nga nating makikilala sa MMFF entry na “Bonifacio”.
Follower kami ng social media account ni Binoe at nasaksihan namin sa mga posts doon ang mga paghihirap at dusang naengkuwentro nila while filming the movie sa iba’t ibang lokasyon.
Ito lang ang nag-iisang entry sa filmfest na may historical figure and story and yet, binigyan ito ng panibagong approach sa pamamagitan ng pamangkin ni Binoe na si Daniel Padilla na isang napakagandang strategy para makakunek sa daang libong mga kabataan ang pelikula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.