Pacman payag sa lahat ng kundisyon ni Mayweather; hindi uurong sa Drug Test
Ngayon pa lang ay siguradong pag-iipunan na ng ating mga kababayang mahilig sa boxing ang makasaysayang salpukan nina Pacman at Floyd Mayweather, Jr. sa susunod na taon.
Lantaran nang tinanggap ni Boy Daldal ang hamon ng kampo ni Congressman Manny Pacquiao para sa kanilang pagsasalpukan, nagbigay pa ng petsa ang madaldal na boksingero, sa May 2 ang ibinigay niyang takdang panahon ng paghaharap nila ng Pambansang Kamao.
Napakaraming nagbunyi sa pag-aanunsiyo ni Mayweather, ilang taon na kasing pinakahihintay ng buong mundo ang pagsusukatan nila ng lakas, pero ang tanong lang ay sa 2015 na kaya magaganap ang kanilang upakan?
Wala kasing sinabing taon si Boy Daldal, basta May 2 lang ang kanyang sinabi, hindi kaya para makaiwas na naman sa bangis ng ating Pambansang Kamao ay magpalusot si Mayweather na wala naman siyang sinabing eksaktong taon ng kanilang sagupaan?
Kailangan din daw munang magpa-drug test si Pacman bago sila sumalang sa lona, mas mababa lang din daw ang premyong dapat matanggap ng ipinagmamalaki nating boksingero kumpara sa kanya, dahil wala pa siyang talo sa buong boxing career niya.
Go, sabi naman ni Pacman, lahat ng gustong mangyari ni Boy Daldal ay handa siyang gawin, matuloy na lang ang kanilang paghaharap sa lona na matagal nang inaabangan ng buong mundo, sa totoo lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.