Yayaman na sa ikalawang pag-aabroad | Bandera

Yayaman na sa ikalawang pag-aabroad

Joseph Greenfield - December 16, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Maggie ng Poblacion, Pilar, Bohol

Dear Sir Greenfield,
Taong 2011 ng ako ay mag-abroad sa Saudi at nakaipon ng kauting pang-negosyo. Ang kaso naubos ang lahat ng ipon ko ng magkasakit ang mister ko, pero okey na siya ngayon.
Kaya lang sa tuwing naiisip kong natunaw lang dahil sa pagkakasakit ng mister ko ang aking mga naipon at nalugi pa ang negosyo ko naluluha ako sa nangyari sa buhay namin. Sa ngayon 41 na edad ko at nais ko sanang mag-aplay muli.
Itatanong ko lang po sana Sir Greenfield kung muli ba akong makapag-aabroad at maibabalik ko ba ang mga nawala sa akin, ang aming lupa at bahay at ang muting negosyong dating ikinabubuhay namin ng tindahan sa pobalacion. February 14, 1973  ang birthday ko.
Umaasa,
Maggie ng Pilar, Bohol
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Matapos huminto ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Illustration 1. 1-1 arrow 1. at 2), muli itong kumapal at gumanda.
Ibig sabihin, kahit na nagkandalugi-lugi ka, nagkasakit pa ang mister mo, umasa kang darating uli ang saktong panahong muling ibabalik sa iyo ng tadhana  ang mga nawalang materyal na bagay na magsisimulang mangyari sa susunod na taong 2015.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Five of Hearts at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2015, muli kang makapag-aabroad at ang pag-aabroad na ito sa ikalawang pagkakataon ang magiging bagong simula upang umunlad muli ang inyong kabuhayan.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending