Pamilya ni Bong halos sa kulungan na nakatira; Lani ayaw iwanan ang asawa | Bandera

Pamilya ni Bong halos sa kulungan na nakatira; Lani ayaw iwanan ang asawa

Cristy Fermin - December 09, 2014 - 03:00 AM

bong revilla
Linggo nang hapon ay dumalaw uli kami kina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla sa PNP Custodial Center. Tulad nang dati ay kumpleto ang kanilang mga pamilya, maraming kaibigang hindi nakalilimot sa kanila, pero ramdam na ramdam ang lungkot sa paligid.

Kuwento ng mga kapatid ni Senador Bong, mula nang ibasura ng Sandiganbayan ang hiling ng senador na makalaya habang dinidinig ang mga kasong isinampa laban sa kanya ay araw-araw na silang nasa Camp Crame, inaalalayan nila ang aktor-pulitiko.

Kuwento ni Rowena, “Kailangan namin siyang samahan palagi, iba pa rin ‘yung nararamdaman niya na maraming nagmamahal sa kanya.

Mabuti na lang, dumating ito sa kapatid namin sa isang time na matibay na ang faith niya sa Diyos.” Mas madalas silang nasa Custodial Center ngayon kesa sa kanilang ama na nasa Cavite.

Naiintindihan naman ng dating senador ang sitwasyon, mas kailangan ngayon ni Senador Bong ng kausap, dahil sa kabiguan niyang makapagpiyansa.

Sabi naman ni Princess, “Lagi naman naming kausap si daddy. Okey naman siya, palagi niyang sinasabi sa amin na magdasal lang para maging maayos ang sitwasyon ng kapatid namin.”

Masakit man para kay Senador Bong ang nangyari ay nababalanse naman ‘yun ng pagmamahal ng kanyang pamilya, halos du’n na namamalagi si Congresswoman Lani Mercado at ang kanilang mga anak, pati ang staff ng senador ay palaging nasa tabi niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending