Sarah: Kailangan maging sing-galing ako nina Ms. Lea at Rachelle Ann!
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Sarah Geronimo na isa na rin siyang maituturing na Disney Princess. Ang Pop Princess ang napili ng Disney Channel para kumanta ng English version ng “The Glow”.
Ang “The Glow” ay unang ni-record ng British singer na si Shannon Saunders and originally created noong 2011 para sa pormal na pagdagdag kay Rapunzel (mula sa 2010 animated film na Tangled) bilang 10th Disney Princess.
Bukod kay Sarah, may mga napili ring kumanta ng “The Glow” ang Disney Channel mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Malaysia, Thailand at Indonesia gamit ang kanilang lengguwahe.
“Sobrang happy. Overflowing ang joy sa puso ko ngayon. Especially nakikita ko na nakalatag na ang boses ko sa video. The first time na napanood ko ‘yon, teary-eyed nga ako….surreal nga.
Maraming, maraming salamat sa Disney for the chance and of course, it’s an honor to represent our country. Ni-localize nila ang project na ito,” ani Sarah sa interview ng ABS-CBN.
Pormal na ni-launch ang nasabing kanta sa Disney Channel noong Sabado. Kuwento ni Sarah sa pagkakapili sa kanya sa nasabing proyekto, “Yung proseso, di masyadong na-hype sa akin nung Viva.
Parang surprise nila sa akin. Parang two days before or oneday before the recording, sinabi nila sa akin… ‘Disney? Wow!’”
Sa tanong kung sino sa mga Disney princess ang talagang ina-idol niya, “Actually, all-time favorite ko Cinderella, Snow White and now, may Rapunzel na.
Actually, itong song nito was created para sa coronation ceremony ni Rapunzel in 2011.” Inamin din ng singer-actress na talagang bata pa lang siya ay pinangarap na niya ang maging Disney Princess, “Oo naman, nu’ng bata pa ko, lahat naman yata fantasy ‘to ng little girls, yung maging Disney princess ka.
Tapos nu’ng na-discover ko na sa sarili ko na I want to be a singer, a professional singer, I also dreamed of becoming part of this kind of project – na singing a theme song for Disney.”
At natatawa pang hirit ni Sarah, “Pero sabi masyadong mataas yun, parang kailangan maging sing-galing ni Ms. Lea Salonga and now, si Ms. Rachelle Ann Go…she did the ‘Little Mermaid’ in the Philippines.
Grabe talaga. Sobrang nakakatuwa at di makapaniwala.” Kung meron pang isang bagay na gustong ma-achieve ni Sarah, ito ay ang, “Gusto ko pang magrecord pa ng sarili kong kanta, I think yun ang kailangan ng OPM, ng original hits.
Yung talagang i-represent yung country natin internationally using our own music talaga… di lang nagko-cover lang tayo. Yun talaga ang dream ko para sa OPM industry.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.