Makapagsi-seaman bang muli? (2)
Sulat mula kay Jessie ng Purok 1, Camague, Iligan City
Problema:
1. Dati na po akong sumasakay sa barko, pero mula nang bumaba ako noong January ay hindi na ako muling nakasampa. Lumipat kasi ako ng agency at sa bagong agency ko ay puro pangako ang ginawa sa akin at hindi naman ako pinatatawag. Nais ko sanang mag-aplay uli sa ibang agency naman.
2. Sa palagay n’yo ba sa susunod kayang taon ay papalarin na kaya ako? Sa kasalukuyan kasi ay paubos na ang ipon namin at unti-unti na kaming nababaon sa mga pagkakautang. Muli kayang magbabalik ang dating estado ng pamumuhay namin na maunlad at naibibigay ko ang mga luho ng aking pamilya? April 28, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Jessie ng Iligan City
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa tulong ng isang kaibigang isinilang sa zodiac sign na Virgo ay sigurado na ang magaganap—sa susunod na taong 2015 muli kang makapagbabarko.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing hindi ka mawawalan ng suwerte. Sa kasalukuyan ay na-stranded lang o bahagyang na-traffic ang pagdating ng magandang kapalaran, pero sa susunod na taon, sa edad mong 28 pataas, ay muli na namang bubuhos sa inyong pamilya ang dating ng suwerte at magandang kapalaran.
Luscher Color Test:
Upang matupad ang pag-aanalisang inilahad sa itaas, lagi kang magsuot ng kulay na dilaw at pula. Ang nasabing mga kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran sa darating na taong 2015.
Graphology:
Sa pag-aaplay ay bahagya mong baguhin ang “end stroke” o dulong bahagi ng iyong lagda. Sa halip na pababa ang “buntot ng letrang a,” iangat mo ito paitaas. Sa ganyang pirma ay lilisan na ang pangit na kapalaran at tulad ng nasabi na ay puro magaganda at positibo ng kapalaran ang kusang darating sa 2015.
Huling payo at paalala:
Jessie, ayon sa iyong kapalaran, hindi ka dapat maiinip. Basta magpatuloy ka lang sa paga-aplay at lilipas ang isa o dalawang buwan pa— sa Pebrero 2015, bago sumapit ang edad mong 28 pataas— ay muli kang makapagsi-seaman at sa pagsakay na ito sa barko, uunlad na muli ang inyong pamilya hanggang sa tuluy-tuloy na uling umasenso ang kabuhayan nyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.