Ai Ai: Hindi po ako lilipat sa GMA 7, ang anak ko ang magiging Kapuso! | Bandera

Ai Ai: Hindi po ako lilipat sa GMA 7, ang anak ko ang magiging Kapuso!

Julie Bonifacio |December 05,2014
facebook
share this

Ai Ai: Hindi po ako lilipat sa GMA 7, ang anak ko ang magiging Kapuso!

Julie Bonifacio - December 05, 2014 - 03:00 AM

AI AI DE LAS ALAS AT SANCHO VITO

AI AI DE LAS ALAS AT SANCHO VITO

NAKATAKDANG pumirma ng kontrata sa GMA 7 ang panganay na anak ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas na si Sancho Vito sa Dec. 8, Monday. Certified Kapuso na ang binata na matagal na ring nangangarap na maging artista.

Mismong si Ai Ai ang nag-reveal nito sa amin pagdating niya mula sa ilang araw na bakasyon sa Japan kasama ang boyfriend na si Gerald Sibayan at ilang kaibigan.

Dapat sana ay mas napaaga pa ng ilang araw ang pagpirma ni Sancho ng kontrata sa Kapuso network. Pero ni-request ni Ai Ai na gawin na lamang ito on Dec. 8 na inayunan naman ng GMA executives.

Sa naturang meeting ni Ai Ai with GMA bosses, na-meet niya for the first time ang anak ni Atty. Felipe Gozon na si Annette Abrogar. Bilib na bilib si Ai Ai sa kagandahang-asal na ipinakita sa kanila ni Atty. Annette.  Disente at pretty raw ito.

“Mare, para siyang si Ma’m Charo Santos kung magsalita. Mahinahon, ‘yung ganoon. E, first time ko lang siya na-meet. Tingin ko darating ang araw siya ang susunod na president ng GMA 7,” natutuwang kwento ni Ai Ai.

So, expect na natin na mapapanood si Ai Ai sa iba’t ibang news program ng GMA once pumirma na ang kanyang anak ng kontrata. Manager din kasi siya ni Sancho along with GMA Artist Center.

Hindi syepmre kakayanin ni Ai Ai na palaging nandiyan sa tabi ni Sancho kaya humingi rin siya ng kaagapay sa pagpapatakbo ng career ng kanyang eldest child. Kaya huwag nang mag-especulate ang iba na lilipat na siya sa Kapuso network.

“Actually, hindi lang naman sa GMA ako nakipag-meeting for Sancho. Nagpunta rin ako sa TV5, nakipag-usap din ako sa mga tao doon,” sabi pa niya.

And besides, kae-extend lang ng kontrata ni Ai Ai sa Star Cinema. From the original date na July, 2015, e, aabot na hanggang December, 2015 ang extension ng kanyang kontrata. At nakasaad talaga sa kontrata niya na may movie siya sa Metro Manila Filmfest next year.

“Kaya paano ako lilipat Mare? Ang pangit naman noong may pelikula ako sa Star Cinema tapos hindi ko mapo-promote sa ABS ang pelikula, ‘di ba?  Tsaka, nakakahiya kay Tita Malou (Santos, Star Cinema’s Managing Director,” diin niya.

Hindi talaga pakakawalan ng Star Cinema si Ai Ai ngayon pa na blockbuster ulit ang kanyang pelikula with Kim Chiu and Xian Lim, ang “Past Tense” na hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin sa mga sinehan on its second week.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Say namin kay Ai Ai, para na rin siyang may  MMFF entry this year dahil sa haba ng mga pila sa mga sinehan na nanood ng “Past Tense.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending