Reunion ng pamilya ni ROBIN 'NASIRA' dahil kay BB | Bandera

Reunion ng pamilya ni ROBIN ‘NASIRA’ dahil kay BB

- April 03, 2012 - 03:41 PM

Kylie Padilla umiwas sa pamilya, magsosolo sa Holy Week

NANGHIHINAYANG si Mariel Rodriguez dahil hindi na matutuloy ang plano niyang reunion ng pamilya Padilla sa Nueva Ecija ngayong Semana Santa.

Nang makatsikahan kasi namin ang misis ni Robin Padilla kamakailan ay sinabi niyang sa Nueva Ecija raw sila magho-Holy Week kasama ang buong Padilla clan dahil nga matagal na raw hindi nagkakasama-sama ang pamilya ni Robin at ito rin ang nabanggit ng aktor sa huling interview namin sa kanya sa presscon ng Toda Max, natutuwa nga raw siya dahil wala raw nakaisip ng ganu’n kundi si Mariel lang.

Ang kaso, hindi na nga ito matutuloy dahil hindi pa rin okay sina Robin at BB Gandanghari.

Hawaiian-inspired daw kasi ang naisip ni Mariel sa get-together party ng mga Padilla sa Nueva Ecija at tiyak daw na naka-skirt at bra lang si BB kapag pumunta doon bagay na hindi tanggap ni  Binoe.

Nasabi ni Mariel na, “Feeling ko baka may kinalaman doon.”

Vocal din naman si BB sa pagsasabing may miyembro ng pamilya Padilla na hindi pa siya kinakausap o tinatanggap at si Robin iyon na inamin din ni Mariel sa amin.

Kaya kaysa magkaroon ng hindi magandang tagpo sa naisip na reunion ni Mariel ay kinansela na muna ang family event at hihintayin na lang ang tamang panahon kung kailan ito matutuloy.

At dahil dito ay sa Morocco na lang pupunta sina Mariel at Robin at anak nitong si Queenie dahil si Kylie raw ay sa Baguio magninilay-nilay.

Ang Morocco ay isang Muslim country kaya ito ang napili rin ni Binoe na pupuntahan nilang mag-anak at ngayong araw ang lipad nila at sa Abril 9, Lunes naman ang balik nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending