Maxene nagsawa na sa lalaki: Ayoko munang magdyowa!
Tila nagsawa na si Maxene Magalona sa lalaki. Kung noon parang hindi siya mabubuhay nang walang boyfriend, ngayon ay iba na ang pananaw niya sa pakikipagrelasyon.
Nitong mga nakaraang taon, hindi nabakante ang aktres sa pagkakaroon ng boyfriend, kapag natapos ang isang relationship niya sa isang guy asahan mong may kapalit agad.
Pero ngayon nga ay sumusumpa ang anak ng yumaong master rapper na si Francis Magalona na ilang buwan na siyang single ngayon.
Sa presscon ng kauna-unahan niyang serye sa ABS-CBN, ang Dream Dad with Zanjoe Marudo sinabi ni Maxene na, “I’m very much single and I’m in a relationship with myself.”
“To be honest, every time I’m in a relationship, parang hindi pa ako ganu’n ka-ready. I jump from one relationship to another kasi I get excited easily. Yon pala, hindi ko pa masyadong napo-focus ang sarili ko.
“Hindi ko pa masyadong naaayos ang sarili ko, which means I need to love myself. Right now, what I’m doing is putting my career first because I owe it to myself.
Lahat ng gagawin ko ngayon, lahat ng trabaho, kailangan kong mag-focus doon kasi hindi na ako bata.“Now that I’m much older, I wanna look forward and do this for myself kaya ayaw ko muna mag-jowa,” chika pa ng dalaga na isa nang Kapamilya ngayon.
Samantala, sey ni Maxene, excited na siya sa mga susunod na mangyayari sa career niya sa ABS-CBN. In fairness, waging-wagi agad ang aktres nang umere kamakailan ang episode niya sa Maalaala Mo Kaya na talagang nag-trending worldwide sa Twitter kung saan gumanap siyang isang nurse na magaling mag-rap.
Bakit nga ba siya umalis ng GMA at lumipat sa Dos, “I want to grow as an artist. I want to explore. Gusto ko pang gumawa ng mas marami pang roles at makatrabaho ang mas marami pang artista for a change of scenery.”
Per project lang ang kontrata ni Maxene sa ABS, “Actually, I’m just so very blessed kasi I did look tests for different shows. I’m just so happy na kinu-consider nila ako.
Hindi ko akalain na ito na, malalagay na ako agad sa bagong show kaya sobrang thankful ako, sobrang happy kasi.”
Aminado naman ang dalaga na talagang nanibago siya sa paglipat niya sa Kapamilya network, lalo na noong first taping day nila sa Dream Dad, “Nakakakaba pero at the same time nakaka-excite.
Sanay na rin naman ako sa taping pero it’s a new environment, new network. “Noong una, nakikibagay muna, kinakapa-kapa ang mga tao.
Ayun, naging totoo lang ako, naging kung paano lang talaga ako sa totoong buhay, kung sino ako kung sino talaga ako sa trabaho. I try my best na makipag-bonding sa lahat.
Siyempre, mas gagaan sa set kung lahat kayo bonded, lahat kayo close. “At saka ano ako, I’m easy to work with, I’m easy to get along with. I like meeting new people and I like making new friends.
Kaya any opportunity na makakilala ako ng mga bagong tao, I welcome it. Lahat ng tao na nakikilala ko, lahat ng tao na nakakatrabaho ko, marami akong natututunan sa kanila,” kuwento pa ni Maxene.
Nagpapasalamat din si Maxene sa mga Kapamilya stars at ABS-CBN loyal supporters na mainit ang naging pagtanggap sa kanya, “Nakakatuwa na every time na nababasa ko ang feedbacks nila, comments nila, lahat sila tuwang-tuwa na nandito ako.
“Nakakataba ng puso kasi every time I’m doing something, umarte ako o may gawin akong desisyon sa buhay, wala akong ine-expect. Ayaw kong mag-expect. Ginagawa ko lang ang gusto kong gawin dahil ‘yon ang gusto ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.