Gusto ng takasan ang kerida (2)
Sulat mula kay Joey ng Gladiola St., Buhangin, Davao City
Problema:
1. May ibinahay akong babae at may isa kaming anak bukod pa sa legal kong pamilya. Ang problema simula ng humina ang kita ko sa pinapasukan kong kumpanya kasi nawala na po ang over-time parang hindi ko na po kayang suportahan ang babaing kinasakama ko dahil sa sobrang taas ng mga gastusin, lalo na ngayong imbis na madagdagan ang aking suweldo ay nabawasan pa. Balak ko na sana siyang iwanan ang kaso kapag daw naghilawaya kami nagbanta siya na magpapakamatay at idadamay daw niya ang anak namin. Nalilito na ko sa ngayon sa kakaiisip kung paano ang aking gagawin bukod pa sa unti-unti na rin akong nababaon sa mga utang nang hindi alam ng legal kong asawa. Lotto na nga lang png pag-asa ko upang muling makabangon kasi hindi ko na talaga inaasahan ang suweldo ko na sobrang liit na sa ngayon. Sana matulungan nyo ako kung paano ko imimintina ang dalawang pamilya ko sa upang walang masaktan o mamroblema sa kanilang dalawa – kung may mapera lang ako, ayos naman sana ang buhay ko. October 1, 1984 ang birthday ko.
Umaasa,
Joey ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustraion 2.) ang nagsasabing kung itutuon mo ang iyong “libido” o “sexual energy” sa pagpapaunlad ng kabuhayan, malaki ang posibilidad na yumaman ka.
Numerology:
Ang birth date mong 1 ay nagsasabing basta’t iwasan mo lang ang pambabae, maraming suwerte at magagandang bagay ang nakatakdang maganap sa iyong kapalaran.
Graphology:
Maganada at buhay ang iyong lagda na kinakitaan ng paalon-alon na guhit. Ito ay malinaw na tanda na kung mag-aaplay ka sa abroad, tiyak ang magaganap – makapangingibang bansa ka at sa abroad ka aasenso at kikita ng malaking halaga.
Huling payo at paalala:
Joey kahit na nagbabanta na magpapatiwakal ang kinasama mong babae sa ngayon, wala naman tayo magagawa sa itinakda ng kapalaran. At ang nakatakda kung mag -aaplay ka na sa abroad sa ngayon, sa taong 2015 sa buwan ng Perbreo may isang mabunga at mabiyayang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran at sa nasabing pag-aabroad uunlad ka. Kapag maunlad na maunlad ka na, wag na wag mong kakalimutang padalan ng “financial support” ang anak mo sa iyong kerida, sa ganyang paraan, lalo pang gaganda at magiging masagana ang iyong kapalaran habang buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.