MIKE TAN biktima nga ba ng sexual harassment? | Bandera

MIKE TAN biktima nga ba ng sexual harassment?

- March 29, 2012 - 05:12 PM

May katotohanan  kaya na binastos ng isang direktor sa taping

TOTOO nga kaya na biktima ang Kapuso actor na si Mike Tan ng sexual harassment?

May natanggap kasi kaming balita na may kinalaman daw ito sa pag-alis ng isang director sa teleseryeng Legacy ng GMA.

Ayon sa ating source, dahil daw sa reklamong ito ni Mike kung kaya nagdesisyon na ang GMA management na tanggalin sa primetime series na Legacy si direk Jay Altarejos.

Hindi naman idinetalye ng ating source kung paano naganap ang diumano’y  harassment at kung kailan ito nangyari.

Basta sa pagkakaalam niya, may “sensitibong” eksenang naganap sa pagitan ni Mike at ni direk Jay na hindi nagustuhan ng Kapuso actor.

Actually, ang unang chika na nakarating sa amin, bigla raw pinalitan si direk Jay sa Legacy dahil nag-emergency leave raw ito, personal matter daw ang dahilan ng direktor sa kanyang pagbabakasyon.

Ngunit bigla ngang lumabas ang kuwento ng sexual harassment.

Ang balita, wala naman daw balak magdemanda si Mike Tan, pero hiniling nito sa production na gumawa ng hakbang para hindi na raw ito maulit.

Medyo sensitibo ang isyung ito kaya inaasahan nating maglalabas ng official statement anytime ang mga taong sangkot sa kuwento.

Hiningan na rin namin ng komento ang Kapuso station tungkol dito at sinabi nga ng isang nakausap namin na hindi raw ito totoo.

Ayon sa kanya, may family emergency daw talaga si direk Jay kaya nag-leave.

Pero siguro kailangan ding maglabas ng opisyal na pahayag si Mike Tan para sa mas ikalilinaw ng kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At siyempre, hintayin din natin ang magiging depensa ni direk Jay, kaya huwag na muna tayong magbigay ng konklusyon at huwag na muna tayong mag-judge.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending