Mike Tan butas ang eardrum dahil sa sampal ng kaeksenang aktres

Mike Tan nabutas ang eardrum dahil sa sampal ng kaeksenang aktres

Ervin Santiago |February 19,2024
facebook
share this

Mike Tan nabutas ang eardrum dahil sa sampal ng kaeksenang aktres

Ervin Santiago - February 19, 2024 - 08:05 AM

Mike Tan nabutas ang eardrum dahil sa lakas ng sampal ng kaeksenang aktres

Maxene Magalona at Mike Tan

NEVER makakalimutan ng Kapuso actor na si Mike Tan ang pananampal sa kanya ng isang kilalang aktres sa taping ng serye nila noong “Faithfully.”

Dahil daw kasi sa lakas ng sampal sa kanya ng naturang aktres sa isa nilang confrontation scene sa serye ay nabutas ang kanyang eardrum.

Natanong si Mike sa panayam ng “Kapuso Online Exclusive” kung sinong artistang nakatrabaho niya ang pinakamalakas manampal.

Ang sagot ng aktor, “Maxene Magalona. Si Maxene ang may pinakamalakas na sampal na ginawa sa akin na nabutas ang ear drums ko.”

Baka Bet Mo: Gary V tagumpay sa pakikipaglaban sa pneumonia: ‘I’m getting better friends, God has been amazingly faithful yet again’

Rebelasyon ng Kapuso star, napalakas ang sampal sa kanya ni Maxene nang gawin nila ang isang intense na eksena sa Kapuso afternoon series na “Faithfully” na umere noong 2012.

Kuwento ni Mike na napapanood ngayon sa GMA primetime series na “Love. Die. Repeat.”, nagpatingin daw siya sa doktor nang mapansing parang humihina ang kanyang pandinig.

Dito na nga niya nalaman na nabutas pala ang kanyang eardrums, pero hindi na raw niya ito nasabi kay Maxene.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mike Tan (@imiketan)


“Hindi niya alam ‘yung nangyari. Walang nakaalam. Noong nagpa-check up lang ako, kasi parang hindi ako masyadong makarinig. Doon ko nalaman na nabutas ang eardrums ko,” pagbabahagi ni Mike.

Nalaman na lang daw ni Maxene ang nangyari sa kanyang tenga after a few years nang muli silang magkasama sa isang teleserye ng GMA.

Baka Bet Mo: Kim natigalgal sa totoong sampal ni Maricel sa ‘Linlang’: ‘Siyempre galit na galit ako dahil tinuhog niya ang 2 anak ko’

Ikinuwento niya ito kay Maxene bago nila gawin ang isang eksena na kailangan uli siyang sampalin ng aktres.

“Noong gumaling na and all, patapos na or tapos na kami sa palabas na ‘yun. Parang sa ‘Basang Sisiw’ yata saka ko sa kanya ikinuwento na, ‘Dahan-dahan lang Max sa sampal ah. ‘Yung huling sampal ganito ‘yung nangyari.’ Saka niya lang nalaman,” pag-alala pa ng aktor at celebrity dad.

Nang malaman daw ng aktres ang nangyari sa eardrums niya, talaga raw na-shock ito at agad na humingi ng paumanhin sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagulat. Nag-sorry. Mabait naman si Max eh,” sey pa ni Mike Tan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending